FLPH Updates
Anong Insurance kaya ang magandang kunin?

Anong Insurance kaya ang magandang kunin?

insurance policy

Ang pagkuha ng insurance ya para ka lang din nagsha-shopping. Kailangan mo munang mag ikot-ikot, magtanong tanong, mag compare at kunin ang pinakamaganda na ayon sa budget mo.

Walang one size fits all insurance. Magkakaiba tayo ng preference, magkakaiba tayo ng needs. Kaya dapat yong kukunin mo, custom made para sa needs mo.

Teka, bat ka ba kukuha ng insurance. Kung putok ka sa buho at wala naman kamag-anak na maiiwan, bat ka kukuha? Kumuha ka lamang nito kung ikaw ay breadwinner ng pamilya mo. Sakali mang may mangyari sa yo, kampante ka na patuloy silang mabubuhay dahil sa insurance mo kung mawala ka man. Yung tipong mawala ka man sa mundo, magsu-survive pa rin ang pamilya or beneficiaries mo.

May 3 na types ang insurance na pwede mong pagpilian: WHOLE LIFE, TERM at VUL

Whole Life Insurance. Sa name pa lang, alam mo na kung ano meaning nya. Ibig sabihin nito, naka insured ka for the rest of your life. Ang ganda diba. Kaso, may kamahalan to at halos hindi na nai-ooffer ng mga agents. Kase nga impractical na sya kunin. Pero kung wala ka namang mapaglagyan na ng pera, sige kumuka ka nito 

Term Insurance. Sa type naman na to, insured ka for a specified period of time, depende sa policy na napagkasunduan nyo. Pwedeng monthly term, yearly term or temporary lang. Like for example, pag sumakay ka ng eroplano may option ka to get insurance in case something happen to you. Insured ka lang once you board the plane on that instance. Compare sa whole life, di hamak na mas mababa ang premiums na babayaran mo dito. Speaking of pagbabayad, iba iba rin. Pwedeng one time, monthly or yearly, depende sa policy. Basta ang isipin mo insured ka as long as nagbabayad ka ng premium mo. Kung tumigil ka ng pagbabayad, automatic void ang policy mo. Wala ka na ring maasahan sa kanila or perang babalik sa mga naihulog mo. But not all. Merong ibang company na ibabalik nila yong konting perang nahulog mo in case di mo sya nagamit. Ang amount ng insurance coverage mo ay depende sa amount ng babayaran mo. Kung gusot mo ng malaking insurance coverage, magbayad ka rin ng malaki. Again, sobrang dami ng insurance company kaya maging smart sa pagpili ng term insurance na bagay sa yo.

Variable Unit Link. Eto naman yong term insurance na sinamahan ng investment component. 2 in 1 kumbaga. Dito naman naka-insured ka rin for a specific period of time, at huhulugan mo sya hanggang sa matapos yong term na yon. In case you failed to pay the premium, maaring ma void yong insurance mo at ma forfeit yong mga previous na nahulog mo na. Sa VUL, may insurance ka na, may investment ka pa. Kung sa term insurance eh mostly hindi na bumabalik yong nahulog mo, dito naman sa VUL may posibility na kumita yong mga nahuhulog mo at ibalik sa yo yong pera mo at a specific time depende sa policy mo. Bakit? Kase yong ibang portion ng premium mo ay ini-invest nila sa mutual funds. May kamahalan nga lang sya compare sa term insurance. Before ka kumuha nito, tatanungin ka ng agent kung ano yong risk profile mo, at base on that they will select which mutual fund types ii-invest yong pera mo. Tandaan, since hindi naman fix ang return ng mutual funds, kaya yong growth ng pera mo eh subjective din. Depende sa galaw ng merkado. Ang amount ng insurance coverage mo ay depende sa amount ng babayaran mo. Kung gusot mo ng malaking insurance coverage, magbayad ka rin ng malaki. Eto yong mostly ino-offer ng mga insurance agent ngayon. Medyo sikat kase, may investment na kasama eh. Pag aralang maige ang policy bago ka kumuha.

Medyo simple lang ang ginawa kong explanation, try to research more kung desidido kang kumuha. Each of them eh may mga pros and cons, kelangan mong aralin yon. Watch out for my future post, don ko na lang sila hihimayin isa-isa.

Gusto mo bang kumuha ng insurance pero wala kang kakilalang agent or naghahanap ka ng agent? Message mo ko para ma refer kita sa mga kakilala ko.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*