FLPH Updates
Are you REALLY PREPARED for life’s uncertainties?

Are you REALLY PREPARED for life’s uncertainties?

insurance protection

Masarap i-enjoy ang buhay lalo na kung wala tayong problemang iniisip. Nabubuhay naman tayo ng maayos, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nabibili ang anumang naisin at nagagawa ang mga bagay na gusto nating gawin. Kung malaki ang ating sweldo, automatic mas maganda ang buhay natin at mas marami tayong magagawa.

Kaya lang, walang kasiguruhan sa buhay. Walang makakapagsabi kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Ang tanong, handa ka ba kung sakaling may mangyaring hindi mo inaasahan?

Karamihan sa atin may mga insurances naman. Lalo na kung nagtatrabaho ka sa company, may mga insurance benefits sila. Kaya lang, sapat ba ito in case kailanganin mo? Sa tingin mo, priority nila ang pag-aruga sa mga maiiwan mo?

Kung sa iyo umaasa ang pamilya mo, mas lalo mong dapat maunawaan ano kahalagahan ng insurance at risk management. Oo nga, andon yung chance na hindi mo ito mapakinabangan. Kaya lang, “what if?” mangyari ito sayo. Handa ka ba? Magiging maayos kaya ang buhay ng maiiwan mo? Sapat ba ang perang maiiwan mo para masustain ang buhay nila?

I bet, mostly ang sagot ay hindi. Baka nga hindi rin natin alam kung magkano ba ang sapat.

Marami rin naman kaseng agent na nag-ooffer ng insurance, hindi na ito nai-explain. Yung tipong tatanungin ka lang magkano gusto mong coverage? 1M? 2M? or 3M?

Halimbawa, kumuha ka ng 1M na coverage for loss of life. Kung 50T ang monthly expenses ng pamilya mo, ibig sabihin wala pang 2 taon ubos na ang perang naiwan mo. Pano kung baby pa ang anak mo? Paano kung nag-aaral pa sila? Pano na ngayon ang buhay nila?

At ikaw naman, ok na lang din kase di mo rin masyado nauunawaan. Yun pala ang nakuha mong insurance, loss of life lang ang coverage.

Pano kung naaksidente ka lang at nagkaronon ng partial disability? Pano kung nagkaron ka ng malubhang sakit at naratay ng matagal? Pano kung ma-admit ka sa hospital ng matagal? Eh di walang saysay ang insurance na nakuha mo kung ganon? Sa katunayan, mas mahal magkasakit kesa mamatay. Try mo mag compute ng gastos to get my point.

Hindi lang naman death ang coverage ng insurance. Maraming policies at packages na maaari mong pagpilian. Ang mahalaga, dapat nauunawaan mo muna ang iyong pangangailangan para makapag decide ka ng maayos. Merong hospitalization plan, critical illness plan, income protection at kung anu-ano pa.

Tandaan na ang purpose ng insurance ay para maprotektahan tayo at ang ating mga mahal sa buhay sa oras na kailanganin natin ito. Siguraduhing tama at sapat ang kinuha mo upang patuloy kayong mabuhay ng maayos sa kabila ng kung ano mang sakuna ang dumating.

Hindi sapat na sabihin natin na maayos ang buhay natin ngayon dahil nasa perpektong sitwasyon tayo ng buhay. May trabaho at malakas pa ang pangangatawan natin. Huwag mo nang panghinayangan ang kaunting perang ihuhulog mo sa insurance at protection ng iyong pamilya. Mas malaki ang mawawala sa yo pag nagkataon.

Kumonsulta sa insurance agent para sa tamang pagpaplano ng iyong buhay. Take note, insurance agent na may alam, wag sa salesman lang. Para mas ma explain sayo ang tama at dapat mong gawin. Choose the best insurance company that can give you the best plan for a good price. Not necessary na isa lang kunin mo, you can get insurances from different companies. You can mix and match if you want.

Insurance muna bago mag-invest.

Hindi ako insurance agent, pero kung need mo ng insurance agent I can refer you to my friends. Message mo lang ako.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*