FLPH Updates
Bakit hindi nag-i-invest ang mga Pilipino?

Bakit hindi nag-i-invest ang mga Pilipino?

 

filipino investment

 

JANUARY: Nagbabayad pa ng utang ng dumaang pasko. Kinulang pa ang 13th month pay, daming namasko at pinapasko eh 

FEBRUARY: Valentines day! Kakain sa labas, syempre yong sosyal na place. May regalo. Tapos chinese new year pa nga pala.

MARCH: Graduation time! Syempre ipaghahanda ng bonggang-bongga.

APRIL: Summer vacation! Travel dito, travel doon. Pupunta sa beach…

MAY: Hayss….enrollment na naman. Taas na ng matrikula sa school (nagtaka ka pa?)

JUNE: Simula na ng uma-umagang baon. Kelangan mo na rin bumili ng mga bagong gamit sa school, magbayad ng mga fees gaya ng school bus at iba pa.

JULY: Nagbabayad ka pa ng utang mo mo, kinapos ka sa pang tuition di ba?

AUGUST: Ghost month! Di magandang mag invest…

SEPTEMBER: mmmm…Magi-invest na sana, kaya lang narinig ang… whenever i see girls and boys selling lanterns on the street… ber month na pala!! Wag muna, marami kang pag-gagamitan sa pasko.

OCTIBER: Naghahanda ka na sa halloween. Syempre bakasyon uli, out of town 

NOVEMBER: 2nd sem na! Magbabayad ka na naman sa school. Di bale, malaki naman matatanggap mo next month. Bumale ka na lang sa boss mo.

December: Pasko na  Kaso, nagastos mo na yong pera mo last month. Umutang ka na lang muna. Kailangan maidaos ng masagana ang pasko. Pano na lang kung maraming mamasko sa inyo. Baka sabihin POOR ka…

Kumusta naman ang isang taon mo? Pano yong ibang okasyon like birthdays? Ooops…fiesta pa nga pala. Eh yong mga emergencies like magkasakit ka at maospital?

Ah oo nga pala, may mauutangan ka naman. Andyan naman si mommy at si daddy, si kuya at si ate. Tutulong naman sila sa akin.

Sa tingin nyo pag ganito ng ganito taon taon ang takbo ng buhay nyo, anong bukas ang naghihintay sa inyo at sa pamilya mo?

Pano kung wala ng magpautang sayo? Pano kung magsawa na kabibigay sina mommy at dadddy, sina kuya at ate?

Ayusing maige ang kaperahan  Bago pa mahuli ang lahat….

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*