FLPH Updates
Bakit ka ba nag invest?

Bakit ka ba nag invest?

why did you invest

Oo nga, bakit ka nga pala nag invest?

Nakita mo ba sa facebook na yung mga friends mo ay nag iinvest kaya nag invest ka rin?

Nabasa mo ba yung post ng kung sino man na kumita sya ng malaki sa isang araw kaya nag invest ka rin?

Naka attend ka ba ng isang talk at narinig mong maganda ngang mag invest kaya nag invest ka rin?

Nakita mo ba yong mga kaibigan mong bumibili ng condo, nakibili ka rin?

Ikaw, anong dahilan mo bakit ka nag invest? Bakit ka bumili ng condo? Bakit ka nag stocks? Bakit ka nag open ng mutual fund account?

For sure magkakaiba tayo ng dahilan. I’m not concerned don sa mga taong bago nag invest ay inaral muna ng maayos. Paano kung nag invest sila ng walang sapat na kaalaman? Yung tipong basta na nga lamang?

Oo, ikaw nga! Yung tipong nadala lang ng gaya gaya or ng kung sino man.

Ngayong down ang market, siguro nagsisisi ka na kng bakit ka nag invest. Siguro di mo na kayang titigan ang lumalaking losses mo. Or siguro na-unfriend mo na yung kaibigan mong nagsabi sayong mag invest ka.

Ganyan ka ba ngayon?

Eto ang kadalasang magiging problema kung mag iinvest tayo ng walang sapat na kaalaman. Yung tipong ang iniisip agad ay yung kikitain.

Yung iba pa nga, nung kasagsagan ng pag angat ng investment nila ay nakuha pang mag loan ng dagdag na capital. Mas malaki nga naman daw yung gains kesa interest ng utang nila.

Pano na ngayon, eh di hindi ka namakatulog sa kaiisip ng kautangan at losses mo.

Yung iba naman, OA makapagsabing luge daw sila. P5K lang naman ang investment.

Pero kung isa ka sa mga sumunod ng ARAL muna bago INVEST na strategy, malamang tuwang tuwa ka pa na mababa ang market ngayon.

Dahil alam mo na temporary lang ito. Dahil alam mo na mas malaki ang kikitain mo ngayon. Dahil mas mura mo mabibili ang mga stocks. Dahil alam mong long term ang goal mo.

Lagi kong sinasabi na mag invest for long term. Dahil alam kong mas malaki ang chance nating kumita at magtagumpay sa ating kaperahan kung ito ang ating susundin. Lahat ng investment ay risky. Pero ang risk ay mawawala kung mas matagal kang mag-iinvest sa market. The longer you invest, the lesser the risk. I’m referring to stocks and funds ha.

Ako sa sarili ko, nag-iinvest ako para sa aming retirement fund, educational fund ni baby at para sa magandang kinabukasan. Ayaw kong habang-buhay na magtrabaho para kumita, tamad kase ako  Gusto kong kumita ng hindi nagtatrabaho… I will let my money and investments work harder for me.

Ikaw, bakit ka ba nag invest? Naiintindihan mo ba ang pinasok mo? Aba’y kung hindi, itaya mo na lang sa lotto baka dumami pa 

Kahit anu pa man ang dahilan, ang mahalaga ay nauunawaan natin kung saan natin dinala ang ating kaperahan. At the end of the day, kung ano man ang mangyari, sarili lamang natin ang dapat sisihin. Kung maging biktima ka man ng scam, marahil ay nagbigay ka ng pera ng hindi mo nauunawaan. Or pwede ring masyado kang nasilaw sa laki ng kikitain, kaya ginusto mo rin.

Simple lang naman ang solusyon dito. Aralin munang maige bago mag invest. Ayusing maige ang kaperahan.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*