FLPH Updates
Bakit ka nag abroad?

Bakit ka nag abroad?

bakit ka nagabroad

Natatandaan mo pa ba noong una kang umalis ng bansa? Medyo naluluha ka pa nung nagpaaalam ka sa mga mahal mo sa buhay.

Sabi mo na lang sa sarili mo, 2 years ka lang naman mawawala, makakasama mo na uli mga mahal mo sa buhay. Mahirap din kase mabuhay malayo sa kanila.

Simple lang pangarap mo sa buhay noon. Maliit na bahay, simpleng pamumuhay. Kung may 3rd hand na sasakyan ok na, basta may magamit kayo. Ang importante, magkakasama kayo ng pamilya mo.

Kumusta ka naman ngayon? 10 years ago na pala yon. Asan na yung sabi mo dati na 2 years ka lang mag abroad? Akala ko na plano mo na ang lahat at within 2 years nga eh makakauwi ka na sabi mo.

Ah alam ko na, nag change plan ka. Di ka nag-iisa, marami tayong ganyan din ang kinahinatnan.

Yung simpleng pamumuhay sa Pinas, nabago ng makabagong pamumuhay sa abroad.

Dati lamang maliit na bahay pangarap natin, ngayon mansion na. Kaya ayun, nakapag loan ka sa bangko at kasalukuyan mo pang hinuhulugan.

Dati 3rd hand na sasakyan ok na, ngayon brand new na ang gusto mo. Sa bagay, ano na lang sasabihin ng mga kamag-anak at kaibigan mo. Dapat makita nilang umaasenso ka sa abroad.

Dati, fix yong pangarap mo. Ngayon taon taon ata may bago kang pangarap. Gusto mo mag travel around the world. Gusto mo bumili ng condo. Gusto mo bumili ng lupa sa probinsya nyo. Gusto mo marami kang maipundar na bago lagi.

Kumusta naman ang pamilya mo? Kilala ka pa ba ng mga anak mo? Baka naman manager ng bangko ang pagkakilala nya sa yo. Anytime may perang padala, isang message lang. Syempre, eto na lang kaya mong gawin sa kanila, ibigay ang luho at kung ano mang hilingin nila.

Fast forward, 50 years old ka na. Di mo na kayang magtrabaho kase humina na ang katawan mo. Tapos na rin kase ang kontrata mo, hindi na na renew.

At last, makakasama mo na rin ang pamilya mo permanently.

Wow, happy ending 

Happy nga ba?

Paguwi mo ng Pinas, konti lang ang naipon mo. Naipadala mo ma kase sa kanila buwan buwan at marami kang binabayaran monthly. Di bale, fully paid na naman sila. May mansion kang titirhan, brand new car na sasakyan at malawak na lupain sa bayan nyo. Tsaka graduate na mga anak mo. Eto ang bunga ng ilang taon mo sa abroad.

Akala mo makakasama mo ang pamilya mo lagi, hindi pala. Yung mga anak mong iniwan na baby pa, ngayon nagtatrabaho na at may mga sarili na ring mundo. Iba na ang hilig nila, kaya madalas wala sa bahay at kasama ng mga kaibigan.

Hindi ka kumuha ng insurance, kaya nung magkasakit ka at kinailangan mo ng pera, naibenta mo yung mansion mo.

Unti unti naubos na pala mga ari-arian mo kakabenta. Wala ka na kaseng trabaho. Wala ka nang income.

At kung wala na talaga, aasa ka na lamang sa mga anak mo.

Nangyayari kaya ito sa totoong buhay?

Kaya kabayan, ayusing maige ang iyong kaperahan. Set goals, set exit plan. Hindi habang buhay nadito tayo sa abroad.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*