FLPH Updates
Earning More Saving Less

Earning More Saving Less

earn mo save less

Ganito ka rin ba? Natanong mo rin ba ang sarili mo kung bakit kung kelan ka kumikita ng malaki, saka naman lumiliit ang naiipon mo. O baka nga walang ipon, utang na lang ang lumalaki.

Bakit nga ba? Ano nang nangyari sa kaperahan mo? San mo ba dinadala ang pera mo?

Natatandaan mo ba nung una kang nagtrabaho? Maliit pa lang naman ang kinikita mo pero napapagkasya mo. Wala kang credit card noon. Wala kang utang. Nakakaraos naman kayo kahit papaano, simple lang ang buhay.

Ngayon nasa abroad ka na. Dolyares na kinikita mo buwan buwan. Sobrang sobra na nga dapat kung tutuusin. Pero bakit ang tagal mo na sa abroad wala ka pa ring ipon? Bakit kung kaylan malaki ang sweldo mo, saka ka naman kinapos? San nga ba napunta ang pera mo?

Nagpagawa ka ng malaking bahay. Syempre sa munting bahay ka lang lumaki noon. Kaya ngayon, gusto mong mabuhay ng marangya. Yun din kase sabi ng magulang mo, unahin ang pagpapatayo ng bahay. Dapat mas malaki kesa don sa bahay ng kapitbahay nyo na nasa abroad din. Dahil dito, ang laki ng nai-loan mo sa bangko. Pero kailangan mo ba talaga ng ganyan kalaking bahay?

Bumili ka ng bagong sasakyan. Latest model, konti pa lang meron nyan. Binili mo na kse bagay sa malaki mong bahay. May discount pa nga eh, nakatipid ka pa. Kaso wala ka naman ng pera kaya hulugan mo na lang kinuha. Kaya lang hindi mo naisip magastos pala sa gasolina kaya dagdag na naman sa gastusin. Pero, kaylangan mo ba talaga ng bagong sasakyan?

Puro branded ang mga gamit mo. Syempre, ano na lang sasabihin ng mga kamag-anak at kaibigan mo. Yun ngang tambay sa inyo nakabago, ikaw pa kaya na galing abroad? Kailangan nilang makita na gumaganda ang buhay mo. Tsaka may credit card ka naman kung kulang ang cash mo. Pero kaylangan mo ba talaga yan?

Eh kumusta ka naman ngayon? Kailangan mong kumayod at kumita ng mas malaki pa kase marami ka pang gustong bilhin diba?

Ganito rin na ang buhay mo? Ito rin ba ang dahilan kung bakit wala kang naiipon?

Sa tingin mo, hanggang kaylan ka magta trabaho para mabayaran ang mga kautangan at matustusan ang luho mo?

Kabayan, hindi habang buhay ang trabaho natin sa abroad. Darating ang araw, tatanda rin tayo at hindi na makapagtrabaho pa. Paano ka na ngayon kung ang meron ka lang ay magarang bahay, sasakyan at mamahaling bagay?

Sa tingin mo, anong buhay ang meron ka pag retire mo?

Ayusing maige ang kaperahan. Paghandaan ang kinabukasan.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*