FLPH Updates
Gusto mo bang mag business or makipag-business na lang?

Gusto mo bang mag business or makipag-business na lang?

business

Marami sa mga OFW’s na kilala ko, eto ang sinasabi nilang gagawin after ng buhay abroad….magnenegosyo. Kumbaga eto ang exit plan nila. Ang ganda kase ng may business, di mo na kelangan mangamuhan. Makakasama mo na pamilya mo, di mo na kailangan mag abroad pa.

Wala akong matandaang nagsabi na pag uwi nila or pag nagretire sila, hindi na nila kailangang magtrabaho pa. Na may sapat na silang perang kinita at yun na yung magtatrabaho ika nga. Investments kung baga.

Kung tatanungin ko naman kung anong business, medyo broad pa ang sagot. Wala pa kaseng definite na nasa isip kung ano ang talagang gusto nila. Siguro makikiuso na lang. Kung ano yong IN na negosyo ng kapitbahay, gagayahin na lang. Yung iba marahil, meron na silang nasa isip nilang gustong gawin.

It’s good na may mga pangarap tayo for our future after ng buhay natin sa abroad.

Kaya lang, ang reality is … 90% ng mga new businesses will fail in 1st to 5th year of operation. Hindi naman kase ganon kadali mag-business. Kung madali yun eh di sana businessman na tayong lahat. Wala na lang sanang nagtatrabaho ngayon.

Bakit nga ba mahirap mag business? Unang una, napag-aralan nyo ba yan sa school? Tinuruan ka ba ng teachers nyo kung pano mag business?

Marahil ay mga professional tayo like doctor, engineer, nurse, teacher or kung ano man. Kaya lang, hindi naman natin napag aralan ang pagbi-business.

Pero heto tayo ngayon, eto ang pangarap natin. Apat na taon ka nga sa kolehiyo para sa kurso mo, tapos gusto mo maging businessman in an instant? Aralin munang maige. Did you get my point? From the start, pinalaki tayo upang maging mahusay na empleyado hindi upang maging negosyante.

Hindi ibig sabihin na magaling kang magluto, magiging successful ang restaurant mo. Hindi ibig sabihin na mahilig kang mag café, magiging successful ang coffee shop mo. Hindi ibig sabihin na marunong ka sa computer, magiging successful ang internet café mo.

Kadalasan, ito ang nangyayari. Kaunti or hindi sapat na kaalaman about sa business plus maraming cash na naipon sa ilang taong pagtatrabaho, akala natin sapat na upang makapagsimula ng negosyong naisin natin.

Pangarap ko rin pagdating ng araw na makapagtayo ako ng negosyo. Kaya lang dahil limitado pa ang aking kaalaman, huwag na lang muna. Saludo ako sa 10% na nagtatagumpay dito. Sana ako rin pagdating ng araw I’m not against doing business. Magkakaiba naman tyo ng risk tolerance. Nagkataon na hindi pa ganon ka buo ang loob ko, at hindi pa ready para i-risk ang perang naipon ko sa negosyong maiisipan ko 

Sa ngayon, makikipag-business na lang muna ako. Ano sa tingin nyo ang success ng magiging negosyo ko kung business partner ko sina Gokongwei, Henry Sy, Ayala Zobel, Manny Pangilinan, etc? Hindi ba magandang sabihin na isa ka rin sa may-ari ng Jollibee? ng SM? ng Metrobank? ng Ayala? ng PLDT?

Pano? Eh di mag invest kayo sa mga businesses nila. Bilhin nyo yong mga shares nila or mag invest kayo sa mga funds na directly nagi-invest sa kanila. In that way, kasama nilang lalago ang perang pinaghirapan nyo.

Alin ang mas risky, mag start ng business or makipag-business sa kanila?
Kaya lamang, hindi ito quick rich scheme. Slow but sure way to get rich ika nga. Kung kakailanganan mo na agad ang pera sa madaling panahon, hindi ito para sa iyo. Long term investment ito eh. Try mo mag lotto 

At least, mas malaki ang chance na mas lumago ang pera mo pagdating ng araw. Magandang paraan upang makapagretire ka ng maayos at hindi mo na kailangan magtrabaho after your retirement.

But the key is starting early. Aral muna bago INVEST. Aral muna bago BUSINESS.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*