FLPH Updates
Handa ka na bang bumili ng CONDO?

Handa ka na bang bumili ng CONDO?

invest in condo

Boom ang property sa Pilipinas ngayon. Ang daming nagtataasang condo na nagsusulputan parang kabute. Naunlad na nga ang Pilipinas.

At dahil maraming available na property, syempre marami rin ang ahente na nag-aalok nito. Lalo na sa mga OFW. Kase alam nila na sila yong may mas kakayahan para makakuha at makapagbayad nito.

Para mas maging attractive, syempre maraming payment scheme na pwede kang pagpilian. Pwede mong bayaran ng kung ilang taon. At ang maganda pa, maliit lang ang downpayment.

Tamang tama, sabi naman din kase ng agent, good investment daw ito. Madali daw parentahan pag natapos na. Tsaka tumataas naman daw ang value nito.

Ikaw naman, dahil nakita mo yong posibleng kitain mo in future, syempre napaisip ka. Nevermind kung paano nila na compute yon, basta ang nasa isip mo kikita ka at good investment yon. Hindi lang naman ikaw ang kukuha, kase pati yong kaibigan mo kumuha rin naman. Syempre hindi ka naman familiar kung nasaan yong lugar, pero since kumuha din naman yong kaibigan mo kaya ok lang.

May natitira pa naman sa sweldo mo, kaya may pangbayad ka pa buwan buwan. Single ka pa rin naman kaya sabi mo sa sarili mo OK lang. Kakarenew mo lang din ng another 2 years contract sa trabaho mo kaya siguradong may panghulog ka na. Anyway, 10 years to pay lang naman.

SCENE 1. Fast forward after 2 years. Medyo humina yong kumpanya nyo, kaya sinabihan ka ng boss mo na hindi na marerenew yong contract mo. Wala ka ng ibang choice kundi umuwi ng Pilipinas. Pano na ngayon yong hinuhulugan mong bahay? Wala ka ng pambayad sa loan mo. Ah di bale, ibebenta mo na lang ng mas mahal para tumubo ka pa.

Kaya lang, ang dali lang pala sabihin na magbebenta. Napakahirap pala gawin sa tunay na buhay. Since wala kang trabaho, wala ka ng income. Wala ka na ring maipangbayad sa amortization.

Ayun, ang 2 taong pinaghirapan mong bayaran, nailit lang ng bangko.

SCENE 2. Fast forward after 2 years. Nakita mo ang taong gusto mong makasama habang-buhay. Syempre, nagpakasal kayo at nagkaroon ng anak after a year. Lumalaki ang gastos mo, pero fixed naman ang income mo. Kung may konti mang dagdag, kinukulang pa rin. Malaking parte kase ng income mo, napupunta sa pagbabayad ng bahay na kinuha mo. Good investment sabi mo sa sarili mo, kaya lang kung papipiliin ka: pagkain ng anak mo o pangbayad sa loan mo sa bangko? Syempre, mas pipiliin mo ang anak mo. In the end, iisipin mong ibenta na lang din ang unit na nabili mo. At dahil wala kang mahanap na buyer, masakit man sa kalooban mo, pinailit mo na lang din sa bangko.

Nangyayari kaya ito sa totoong buhay? May mga tao kayang ganito ang naging situation?

Posibleng mangyari ang mga ito sa atin kung hindi natin aayusing maige ang ating kaperahan. Wala namang masama kung bumili tayo ng bahay, condo or mag invest sa real estate. Ang tanong lang dyan, kaya ba natin? Handa ba tayo sa mga gastos na darating?

Sa Case 1, marahil kumuha tayo kahit wala tayong stable na trabaho. Yong iba siguro in the initial years ng pagiging OFW, maraming pera. Syempre, gusto naman din natin may masabi tayo sa pag-a-abroad natin. May maipapakita ka ng naipundar agad sa pagtatrabaho mo sa ibang bansa. Kaya lamang, kung hindi natin alam kung paano ayusin ang ating kaperahan, pwedeng mauwi sa lahat ng ating pinaghirapan.

Sa Case 2 naman, kumuha ng unit ng sya ay single pa lamang. Syempre, konti pa lang ang gastusin. Kaya ng dumating ang pamilya nya, doon na nasira ang kaperahan nya. Hindi nya kase naisip na lalaki ang gastos nya sukdulang hindi na sya makabayad sa monthly amortization nya. Posible ring mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan.

Kailangan aralin munang maige bago pumasok sa ganitong investment. Malaking pera kase ang involve dito, kaya kung magkamali ka ng decision, maaring ikasira ng iyong kaperahan.

Sundin ang tamang steps ng pag-i-invest.

1. Get out of debt. Bayaran lahat ng kautangan.
2. Have emergency fund. Take note, pag kumuha kayo ng property, tataas din ang inyong emergency fund. Syempre, idadagdag nyo ang monthly amortization nyo.
3. Get insurance.
4. Invest. Real estate man, business or paper assets. Mag invest lamang ng perang sobra. Ang investment ay risky, kaya dapat handa ka sa ano mang outcome sakaling malugi man ito.

Kung susundin lang natin ito ng maayos, hindi masisira ang ating kaperahan. Yung #4, hindi sya dapat mauna sa alin man sa naunang tatlo. Hindi naman ito rule, gabay lamang ito upang mas maayos natin ang ating kaperahan. In the end, nasa atin pa rin ang pagpapasya.

Aralin munang maige bago mag-invest.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*