FLPH Updates
Instead of Putting Money to Bank, Buy the Bank Instead

Instead of Putting Money to Bank, Buy the Bank Instead

philippine money

Kung may pera ka sa bangko, ang tawag sayo ay DEPOSITOR. Syempre, asikasong-asikaso ka nila. Pinagmamalaki pa nga nila na mataas ang interest rate nila ng savings account. Yung tipong 0.25% annually. Safe daw kase bangko, insured ng PDIC. Minsan may mga giveaways pang ballpen, calendar o bag. Syempre tuwang tuwa na tayo non. Safe and secured ang pera natin at aanak ng interest. Tutal di mo rin naman alam kung san mo ilalagay, buti ng nasa bangko.

Ganito ka rin ba mag-isip? Ito rin ba ang dahilan kung bakit mo nilagay ang pera mo sa bangko?

Wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Maraming Pilipino ang katulad mo rin mag-isip.

Natuwa ka na kumikita ng interest ang savings account mo. Pero naisip mo ba kung magkano yun? Kung may PHP 100K ka, PHP 250 lang ang kita non sa isang taon. Take note, may witholding tax ka pang babayaran, 20% ng kinita ng pera mo mo. Sinabi ba sayo yun nung nag-open ka ng account? So PHP 200 lang pala ang kinita ng pera mo sa bangko after a year. Masaya ka ba? Aba, may inflation pa pala na around 4%. So sa huli, lugi ka pa pala ng mahigit 3.75% sa isang taon.

Insured ba kamo? Kaso up to PHP 500K lang naman ang insured nila. Beyond that, hindi mo na rin mahahagilap ang pera mo. Part yon ng RISK sa savings account mo. Pero kung pipiliin mo naman yong mga malalaking bangko compare sa mga rural banks, mas di hamak na less risky naman maglagay ng pera dito.

As of August 2013, mayroong PHP 1.63 Trilion na savings deposit sa mga bangko. Na imagine mo ba kung gano kadaming zero non? Imaginin mo na lang ganon kadami ang pera ng mga Pinoy na nasa bangko lang at umaanak ng maliit ng interest.

But instead of being a mere depositor, why not buy the bank? Kung may 1 share ka lang nila, ang tawag na sa yo ay SHARE HOLDER. Di ba mas magandang pakinggan kung sasabihin mong shareholder ka ng BDO o ng Metrobank o ng PNB.

Paano? Buy their stocks or invest in mutual funds who invests on the banks.

Kung bibilhin mo ang shares ng bangko, walang guaranteed interest na 0.25% annualy. Maaring malugi sila along the way and malugi rin yong shares mo. Or maaari rin namang patuloy na lumago ang negosyo nila, at kasamang lalago ang na invest mo.

Pero isipin mo, sa tingin mo ang BDO malulugi or magsasara na in 10 years time? How about Metrobank? PNB?

Sa tingin mo kaya nalulugi sila or kumikita yearly?

Let me show you how they perform the last 5 years to give you idea. Let’s say you invested PHP 100K 5 years ago and you bought shares of these banks. I-compute natin kung magkano na sana yong pera mo.

METROBANK
Stock Price 2/19/2009 PHP 16.1039
Stock Price 2/17/2013 PHP 81.50

In 5 years, they have 506.08% growth! Your PHP 100K is now PHP 506,080.00

BDO
Stock Price 2/19/2009 PHP 19.1705
Stock Price 2/17/2013 PHP 80.95

In 5 years they have 422.26% growth! Your PHP 100K is now PHP 422,260.00

PNB
Stock Price 2/19/2009 PHP 11.5624
Stock Price 2/17/2013 PHP 87

In 5 years, they have 752.43% growth! your PHP 100K is now PHP 752,430.00

Whereas, if you put PHP 100K in the bank for 5 years, you only have PHP 101,005.02.

(In stocks, tax is paid everytime you buy and sell but definitely not as big as witholding tax of the bank. Mutual fund on the other hand is TAX FREE.)

Takot kang bumili ng shares ng mga bangko at maging share holder, pero patuloy ka namang nag dedeposit ng pera sa kanila. Sa makatuwid, may tiwala ka sa bangko at sa tingin mo hindi sila basta basta magsasara.

Eh kung ganon naman pala ang point mo, anong pumipigil sayo para mag-invest or bumili na lang ng shares nila?

Ah alam ko na, kulang ka rin ng kaalamang pinansyal. Hindi mo siguro alam na P5K pesos lang makakabili ka na ng mga shares nila. Hindi mo rin siguro alam anytime ka pwede bumili ng shares or magdagdag ng iyong investment at hindi ka obligado buwan- buwan. Hindi mo rin siguro alam na anytime pwede mong bawiin ang investment mo sa oras na kailanganin mo.

Marami ka pa ngang hindi alam. Marami ka pang dapat malaman. Marami naman seminars at free talk about investment, anong pumipigil sa yo para umattend at makinig dito?

Aral muna bago invest. Walang ibang makatutulong sa iyo kundi ang sarili mo.

Check TGFI Calendar for upcoming Financial Literacy Talks and Seminars.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*