FLPH Updates
Investing in Stocks

Investing in Stocks

investing in stocks

Punta naman tayo sa stocks. Basahin mo muna ha, bago ka mag react. Ganyan din ako nung una, kala ko for the RICH only.

Yung mga malalaking kumpanya, need nila ng capital to expand. Kung mag loan sila sa bank, may interest kse. So ang ginagawa nila, nagbebenta sila ng shares ng kumpanya sa publiko. Yun ngayon yung stocks na tinatawag.

Ang stocks ang pinakamabisang paraan upang maging business partner natin sina Henry Sy, Ayala, Aboitiz, Gokongwei at iba pa.

Kahit isang share lang ng kumpanya ang hawak mo, shareholder na ang tawag sayo. Astig di ba

Sino may ari ng SM? Kung ang sagot mo ay Henry Sy, mali ka. Hindi 100% pag-aari nya ang SM. Yung mga nakabili ng stocks ng SM, pag-aari rin nila ang SM. Open ito sa publiko kaya lahat pedeng bumili. In fact, may-ari rin ako ng SM

Pwede kang kumita sa stocks sa dalawang paraan: price appreciation or dividends.

Pag bumili kayo ng stocks, may presyo yan. At kada taon habang gumaganda ang business ng isang kumpanya, tumataas din ang value nila. I remember last Dec 2012, ang price ng 1 share ng Jollibee ay nasa P100 lamang. Ngayon wala pang isang taon, nasa P170 na ang price nya kada 1 share. So kung nabili mo sya nung time na yun, kumita ka na sana

Yung mga kumpanya, kumikita sila taon taon. May case din naman na malugi sila. Pero in case kumita sila, meron silang tinatawag na profit sharing. Ibig sabihin hahatiin nila yung kita nila at ipapamahagi sa mga share holders. Dividends naman ang tawag don.

Kung ang mga gulay at isda ay mabibili sa palengke, ang stocks naman ay pedeng mabili sa Philippine Stocks Exchange.

Baka naman pumunta kayo ng SM at sabihin nyo sa counter pabili ng stocks  Baka irapan lang kayo ng nasa counter…hihi

Para makabili ng stocks, kaylangan mo ng broker. Sila yung nagsisilbing middleman kung baga. Susuguin mo silang ibili ka ng stocks, yung PSE naman ipapaabot sa kanila yung nabili mo.

Isa sa mga sikat na broker sa atin ay Citisec Online. OFW friendly sya, pede ka mag open ng account kahit nasa ibang bansa. Since online ang pag buy and sell sa kanila, para ka lang nagsha-shopping.

P5K lang ang minimum initial opening account sa kanila. Ibig sabihin sa P5K mo, pede ka ng makabili ng shares ng gusto mong company.

Reminder, RISKY ang mag stocks. Pano kung magsara yung company na nabili mo, eh di 0 ka ngayon. Lugi ka totally at walang insurance.

Now, may 2 klase ng taong nag-i-invest sa stocks: traders at long term investors.

Yung mga traders, eto yung laging nakatutok sa merkado. Buy and sell ang ginagawa nila. Binabantayan nilang bumaba at tumaas ang market. Buy low sell high ang strategy nila.

Yung long term investor naman, eto ang pinaka-safe lalo na sa mga newbie. Simple lang ang strategy dito, buy and hold for long term. Minimize or halos wala munang sell dapat. Ang kaylangan lang, bumili ka ng mga shares ng malalaking kumpanya na sa tingin mo andyan pa rin after 10 years. Anu ano mga yon? Gaya ng SM, PLDT, Globe, Ayala, at marami pang iba.

Tandaan, investing in stocks is risky. Aral muna bago invest. Though pede kang kumita ng higit 50% ng pera mo in a day, pede ka ring malugi ng ganon in a day.

Basa basa, aral aral. Attend ka ng mga talks at seminar.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

2 comments

  1. Aral muna bago invest.

    Thank you sir for this article, very informative. Im so excited to buy my first stock. Still waiting for my COL confirmation.

    God bless! =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*