FLPH Updates
Isang Kahig Isang Tuka

Isang Kahig Isang Tuka

Noong una akala ko akma lang to dun sa mga talagang naghihikahos sa buhay. Yung tipong walang makain, nasa squatters area, naglilimahid ang damit. In short, yung mga less priviledge agad ang naiisip ko.

Pero mali pala ako, hindi lang pala sila ang nabubuhay ng isang kahig isang tuka.

Alam mo ba kung saan ka pa makakakita ng maraming kagaya nila? Sa shopping malls. Naku baka malayo ka sa mall, sa facebook na lang. Tama! Marami dyan sa mga kaibigin mo, isang kahig isang tuka. Take note, hindi sila nakatira sa squatters area.

Let me explain.

Yung mga totoong mahirap, most of the time less effort lang ginagawa nila para mabuhay lang araw araw. In short, konting kahig lang ginagawa nila, kaya konting tuka lang din ang napapala nila.

Now let’s go to your FB friends.

“Pano naman magiging isang kahig isang tuka ang mga friends ko, eh ang gagara nga ng mga sasakyan. Malaki ang bahay. Laging nasa mall para bumili ng bago.”

Sila yung mga taong malakas kumahig. High earner kse at ilan sa kanila OFW, engineer, doktor, nurse or kung ano pa. Nasa prime pa sila ng life para kumita ng malaki.

Ang problema lang, kung gano kadaming kahig nila, ganon din or higit pa ang tinutuka nila. Yung tipong P50K ang sweldo, P50K din o higit pa ang gastos. They live beyond their means ika nga. Sobra pa nga madalas ang tuka nila kesa sa kahig. Salamat sa loan at credit card. Di pa nakakahig, tinutuka na.

May mga kakilala ba kayong ganyan?

Bago ang bahay at kotse, loan naman.

Bagong gadgets lagi, installment naman.

Bili ng bili ng kung ano, utang naman.

Galing manlibre, credit card naman.

Haler? Andyan ka pa ba? Ah, isang kahig isang tuka ka rin nga pala ano. Sapul ka!

So how? Kumusta naman ang kaperahan mo? Paano pag wala ka ng powers kumahig? Yung tipong uugod ugod ka na or worst, umiihi na sa salwal.

Magbago ka na habang may lakas ka pa. Paghandaang maige ang kinabukasan. Ayusing maige ang iyong kaperahan!

Learn. Save. Invest.

Kung nasa Singapore ka at gusto mong matuto, attend ka ng mga FREE financial events ng TGFI Singapore. Visit http://bit.ly/tgfisingapore

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

One comment

  1. Ito ang pang-eye-opener or alarm-clock baga sa mga mahimbing pang natutulog sa katutuhanan – ang pagiging isang kahig, isang tuka, the sosyal way!

    O kayo, mga amiga’t amigo, isang kahig isang tuka parin ba kayo? #pakiexplain ! Luv yah! Hahaha…

    To Richard (the author), thanks for this very meaningful and powerful blog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*