FLPH Updates
It’s not how much you EARN while working

It’s not how much you EARN while working

salary

It’s not how much you EARN while working that matters. It’s how much you will earn while you are NOT WORKING that matters most.

During our prime, most of us may mga trabaho. Peak yong ika nga ng ating career. May maliit ang kita, may mga high earner din naman. Iba-iba tayo, depende sa kakayahan natin. May mga taong sadyang magaling sa kitaan. May mga bata pa lang milyonaryo na. Kung friend mo sila sa facebook, mapapansin mo lagi bago sasakyan nila. Pa travel travel lang. Mansion ang bahay. Nakaka-inggit diba?

Magagaling sila sa kung ano mang propesyon na meron sila. Mga ulirang empleyado ika nga. May mga katungkulan sa kumpanya.

They are active income earner sabi nga. Kase active income ang tawag sa perang napagtrabahuhan mo.

Kaya lang, karamihan sa kanila kung gaano kalaki ang income, ganoon din or higit pa ang expenses. Yung karamihan din, walang pagpaplano sa kaperahan nila.

Kung kumikita ka ng malaki dahil sa trabaho mo ngayon, pano ka na kung wala ka ng trabaho? Hindi naman habang buhay kang magtatrabaho. Darating ka rin sa punto na tatanda at mag reretiro.

Last month nabasa ko yong article about Aaron Carter. Noong 90’s, kasikatan ng grupo nila. For sure milyones ang kinita nila. Pero ngayon, ilang taon ang nakalipas matapos maluma ang banda nila. Nag file na sya ng bankruptcy.

Ganon din ang nangyari kay Allen Iverson, isang sikat na basketbolista ng NBA. On his prime, he is making millions from NBA and ads. Pero ngayon, ni pambili ng burger wala sya.

Yung mga nanalo sa lotto, marami sa kanila bumabalik uli sa kahirapan after ilang taon at maubos ang kanilang napanalunan.

Nakuha nyo yong punto ko? It’s not about the MONEY. It’s about how you handle it correctly.

Halimbawa nagtrabaho ka sa kumpanya nyo till 60 years old. Teka, alam nyo ba humahaba ang buhay ng tao ngayon kumpara noong una? Totoo po yan, kahit i research nyo sa internet. And mas mahaba po ang buhay ng mga babae compare sa mga lalaki.

Balik tayo sa pag retire mo ng 60 years. Syempre mabubuhay ka pa naman after non. May mga gastusin ka pa, hindi naman hihinto yon kung wala ka ng work. Pano kung abutin ka pa ng 80 years old bago ka kunin ni BRO? Imagine 30 years na wala ka ng trabaho, tumataas ang gastusin mo…ang sakit sa ulo diba. Yun ngang may trabaho ka na at nataas ang gastusin mo nasakit na ulo mo, yun pa kayang wala ka ng trabaho.

So ang fallback, magiging dependent ka sa pamilya or mga anak mo. Wala namang masama don. Kaya lamang, ilang porsyento lamang sa atin ang papalaring magkaron ng mga anak na handang tumulong at kayang sumuporta sa lahat ng gastusin natin sa ating pagtanda?

Kung yong sariling pamilya nga baka tama lang ang sweldo natin, dagdagan pa kaya?

Kailangan nyong matutunan ang FINANCIAL LITERACY o yong tamang paggamit ng kaperahan nyo. Hindi lang sya basta nag invest ka, and hoping na lalaki yon at a certain time. It’s more than that.

Sabi nga ni Bo Sanchez, “Money alone is a burden not a blessing.” You need financial literacy to properly handle your money and prepare for your future.

Kaya wag kayong maiinggit kong maliit man ang kinikita nyo ngayon. Ang importante, ginagawa nyo ang lahat para ayusin ang kaperahan ninyo.

Kung nabasa nyo yong ebook ni Bo Sanchez na “My Maid Invest in Stocks”, you will get my point. Imaginin nyo ang maid ni Bo Sanchez na may sweldong P7K a month, ay nakakapagtabi pa ng pera at iniinvest sa stocks? The last time I read, si Gina ay may around P500K nang worth of investments.

Ikaw, magkano ang sweldo mo? Ilang taon ka ng nagtatrabaho? Magkano na ang naipon mo? Do you think mas malala pa ang sitwasyon mo kay Gina? Kung nakaya nya, anong excuse mo sa buhay?

Maraming taong kumikita on their prime. Ang nakakalungkot, katiting lamang sa mga ito ang may kakayahang kumita ng sapat upang mabuhay ng maayos sa kanilang pagtanda. Yong iba pa nga, baka ni SSS wala.

Magising po sana tayo sa katotohanan. Ayusing maige ang kaperahan. Paghandaang mabuti ang kinabukasan.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*