FLPH Updates
Kelan mo balak mag retire?

Kelan mo balak mag retire?

retirement planning

Ayan, dumako naman tayo sa retirement. Kung iniisip mo bata ka pa, aba’y dapat nga mas lalo mo itong isipin para hindi ka mabigatan pagdating ng araw.

Ilang taon ka na bang nagtatrabaho? Hanggang kelan mo ba balak magtrabaho? Aba hindi naman habang buhay eh magtatrabaho na lamang tyo ng magtatrabaho. Isipin mo rin na darating tayo sa puntong hindi na natin kayang magtrabaho. Isipin mo rin na mas masarap dumating ang araw na hindi na natin kailangan magtrabaho.

Sabi ng isang speaker ng napuntahan kong talk, “Retirement should be plan on your first day of work.”

Kaso karamihan sa aten, baliktad. Pinaplano ang retirement kung kelan matanda na at di na makapagtrabaho.

Akala siguro natin pag nagretire tayo, titigil na rin ang nga gastusin natin.

Ano sa tingin mo? Libre na ba mga pagkain mo? Libre na ba ang ilaw at tubig? Insured ka pa rin ba ng kumpanya mo? May sweldo ka pa bang matatanggap buwan buwan?

O baka naman iniisip mong pagtanda mo mas maliit na lang ang expenses mo.

Imaginin mo yong mga matatanda ngayon. Marami ba silang gamot na iniinom? Madalas na ba sila nagkakasakit?

Kung titingnan mo nga, mas mataas pa nga ang gastusin mo pagtanda mo.

Pano ngayon kung ni singkong duling ay wala ka?

Ay oo nga pala, may investment ka. Yung mga anak mo, andyan nga lang pala sila para tulungan ka.

Eh pano kung wala rin sila? Pano ka ngayon?

Huwag mo ng hintayin na mangyari ito sa yo. Paghandaang mabuti ang iyong pagtanda, planuhin ang iyong retirement.

Gaano ba dapat kalaki ang sapat para sa iyong retirement at mabuhay ng maayos sa iyong pagtanda?

Wala namang specific amount. Iba iba kase tyo ng needs at expenses. Kaya dapat wag mong ikukumpara sa iba.

May computation yan kung magkano ang estimate na kelangan mo para makapag retire at mamuhay ng maayos throughout your golden days.

Dapat mong gawin, kumonsulta sa mga financial planners. Matutulungan ka nila at mabibigyan ng idea kung paano mo paghagandaan ang iyong kinabukasan.

Sabi nga sa book ni Robert Kiyosaki, “The trouble with being young is that you don’t know what it feels like to be old. If you knew what being old felt like, you would plan your financial life differently.”

Kung sa tingin mo’y hindi pa huli ang lahat, aba’y kumilos ka na. Bago pa tuluyang maging huli ang lahat.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*