FLPH Updates
Kurot Principle

Kurot Principle

kurot principle

Eto maganda toh, salamat kay Sir Vic at Mam Avelyn Garcia for teaching this principle.

Every time na may bibilhin ako, lagi ko munang tinatanong ang sarili ko kung ina-apply ko ba toh.

Here’s how it works.

Halimbawa ang monthly sweldo mo ay P50K. Tamang tama, IT show pala. May discount yung notebook model na gusto mo, kaya binili mo na sya sa halagang P40K.

Ang tanong kurot lang ba ng P50K ang P40K na nagastos mo? Hindi, dakot na yun.

Let’s say ang binili mo na lang ay isang cellphone worth P3K. Kurot ba sya sa P50K?

Tama. Kase hindi nya inubos ang pera nya, may natira pang pedeng ilaan sa ibang bagay.

Ang mahirap kase sa mga kababayan natin ngayon, puro dakot ang ginagawa.

Ang resulta kapag laging dakot ang ginagawa nyo: UTANG! Kase gumagastos kayo ng katumbas or higit pa sa kinikita ninyo.

Wow bago sasakyan. Ang problema, dinakot nya. Since walang cash, inutang yan.

Wow mansion ang bahay. Ang problema walang cash, nag loan yan.

Wow bagong iPad. Ang problema walang cash, credit card na yan.

Pano mo ngayon maisasaayos ang kaperahan mo kung baon ka sa utang?

Pano ka makakapag-invest kung marami kang utang?

Pano ka na pag wala ka ng maipambayad sa utang mo? Malamang maibenta mo na ang mga naipundar mo.

Nakita nyo yung effect? Marahil sasabihin mo ngayon lang to. Pampalubag loob kung baga. Kaso baka makasanayan mo na.

Hanggang sa di mo na mamalayan, maging huli na ang lahat.

In the first place, bakit mo nga ba sya binili?

Needs ba sya? Aba’y kung hindi naman, bawas bawasan ang kayabangan. Kaya laging tanungin ang sarili nyo bago gumastos. Kurot ba to or dakot?

Ayusing maige ang iyong kaperahan. Ito ang makapagpapaganda ng iyong kinabukasan.

Aral muna bago invest ha.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*