FLPH Updates
Learn First, Before You Earn

Learn First, Before You Earn

learn before earn

Gusto mo bang kumita ng $$$ part time? Madali lang ang gagawin mo, work at home pa!

Ayun, nung nakita lng na kikita ng $$$ sa madaling paraan biglang nagkainterest. Gusto rin agad kumita. Kaya ayun, join agad.

Ayain mo sa mga trainings, ayaw naman pumunta. Gusto nasa bahay lang magpe-facebook, maglalaro or manonood lang ng walang katapusng palabas sa TFC. Akala ata pag naglabas sila ng pera wala ng effort na gagawin. Kikita na agad.

Ganon din sa pag-iinvest. Nakita lang sa mga friends nya na nag iinvest at may kinikita, gusto din agad. Tatanungin ka agad kung paano mag open ng account, mag-i-invest din daw agad. Hala sige!

Ayun, konting kembot ng market…balisa agad. Kala mo naman luging lugi na, PHP5K lang naman ang inilabas.

Masama nyan, ikaw pa sisihin ka pa kung bakit sila nalugi *daw*.

Pero ayain mo naman sa mga seminars, ayaw na ayaw pumunta. Lagi na lang busy. Tingnan mo naman ang mga status updates at pictures, naglalakwatsa lang pala.

Magatataka ka pa ba kung wala kang asenso? Nangyayari ba yan? May mga kakilala ba kayong ganyan din umasal?

Kabayan, aralin muna bago isiping kumita. Kung ganon lang kadali ang pagkita na maglalabas ka lang ng pera, sasali at mag-iinvest eh di sana wala ng mahirap sa mundo. Ganon lang pala kadali eh, kikita na tayong lahat.

Aba kung siguradong kikita ako sa sinasabi mo ng nakatikangkang lang, halika usap tayo.

Hindi sapat na malaman mo lamang kung pano magopen or mag join. Dapat inaaral mo rin kung pano ba tumatakbo ang negosyo or san napupunta ang investment mo.

Kung wala kang time para aralin ang mga ito, wag ka na lang sumali or mag invest. Sinasayang mo lang ang pera mo at ang oras mo. Pati yung time ng taong napagtanunan mo.

Tumaya ka na lang kaya sa lotto, baka manalo ka pa. Tutal, yon lng din naman gusto mo. Kumita ng pera ng walang kahirap hirap.

Galaw galaw naman kahit konti. Effort din pag may time. Kaya maraming nabibiktima na scam eh, masyadong nasisilaw sa kikitain agad. Ang inaalam lang gano kalaki ang kikitain. Tanungin mo naman kung pano kumukita ng ganon kalaki pera nya, wala namang masabi. Kiber na lang daw basta may kita.

Di ka na nadala. If its too good to be true, aba pagdudahan mo. Kung ganon kadali kumita ng pera, aba eh bakit pa nila sasabihin syo. Eh di sana sila na lang ang nagawa para sa kanila ang kita.

Aral muna bago invest.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*