TGFI Updates
Life’s Risk: Are you well protected?

Life’s Risk: Are you well protected?

Araw araw, tayong lahat ay exposed sa iba-ibang klase ng risk sa ating buhay. Gustuhin man natin ito o hindi, sadyang nariyan lamang sila at posibleng tamaan tayo isang araw. Wala namang may gusto na maranasan natin ito, subalit parte na ito ng ating buhay. Ang kailangan na lamang nating gawin ay paghandaan ito upang kung sakaling sa atin ito tumama, walang masyadong epekto sa atin at sa ating mga mahal sa buhay.

Eto ang ilan sa mga common risks na dapat nating paghandaan.

Dying Too Soon. Paano kung maaga tayong kunin ni Lord? Handa ba tayo sa pagkakataong ito? Or kung handa man tayo spiritually, pano naman kaya tayo financially? Magiging maayos pa rin kaya ang buhay ng pamilya mo kapag nawala na tayo at mawala na rin ang tulong pinansyal na ibinibigay natin sa kanila? Kung isa kang pamilyadong tao at breadwinner, mahirap isipin kung maiiwan mo silang walang kahandaan. Paano na kaya sila? Magugutom kaya sila? Makakapagtapos kaya ng pag-aaral ang mga anak mo? Alam nating maaari tyong humantong sa puntong ito. Hindi man natin ito mapigilan, maaari naman natin itong paghandaan.

Living Too Long. Kabaligtaran naman ng nauna, paano kung matagal ka pang mabubuhay. Imaginin mo ang sarili mo na magretire ka sa edad na 60. May naipon ka at may mga nakuhang retirement benefits na sa tingin mo magtatagal pa ng 5 taon mong gastos. Pero paano kung mabuhay ka ng mas matagal pa dito? Ayon sa statistics, tumatagal ang life span ng tao as years pass bay. In fact, malapit na sa average 80 years old ang life span ng mga Pilipino. Samakatuwid, kung magretire ka ng edad 60, posibleng 20 taon pa ang ilalagi mo sa mundo. You will agree with me na during these golden days natin, eto na yong stage na magastos for sure due to lots of medications or complications sa ating katawan. Marami na rin mga maintenance at vitamins na kailangan nating bilhin. At dahil nga retired na tayo, san naman natin kukunin ang ating gastusin kung ang naipundar natin ay sapat lamang sa 5 taon? Paano kung kahit singko ay walang naipon, san sila kukuha ng gastusin? Malamang, aasa na lamang tayo sa ating mga anak o kapamilya. Ganito ba ang gusto mong maging buhay pag tanda mo?

Accident. Gustuhin man natin o hindi, maaring isang araw ay maranasan natin ito. Sa pagsakay mo sa jeep, posibleng magkaroon ng aksidente. Sa paglalakad mo, pwedeng kang madulas. Sa pagluluto mo, pwede kang mapaso. Sa pagbaba mo ng hagdan, pwede kang mahulog. Sa paglalaro mo ng basketball, pwede kang magkafracture. Napakarami pang pangaraw-araw na gawain na sa ating paningin ay simple lamang pero lahat ng ito ay prone sa aksidente. Gaano man kaliit o kalaki, aksidente pa rin ito. Ang tanong, anong preparasyon ang meron ka kung sakaling mangyari ito sa yo?

Getting Sick. Parte na ng buhay natin ang pagkakasakit. Hindi naman tayo si Superman na hindi tinatamaan ng sakit. Kahit konting ubo at sipon, sakit pa rin yan. At pag sinabing may sakit, syempre kailangan nating magpatingin sa doktor. Or worst, baka ma-admit pa tayo sa ospital. Hindi naman free ang lahat ng ito, may bayad silang lahat. Kaya nga kung may sakit ka at maiisipan mo ang mga gastusin, baka lalo ka lamang magkasakit. Sa tingin mo magkano ang per day sa hospital ngayon?

Critical Illness. Sa Singapore, 30% ng adults nila ang sakit ay cancer. Nakakatakot mang isipin, yon ang reality nila dito. Sa Pilipinas naman, malaking porsyento ng critical illness na sakit ay heart disease. Habang tumatanda tayo, humihina ang katawan natin at mas nagiging prone tayo sa tinatawag na critical illness gaya nga ng cancer, heart disease, stroke at iba pang karamdaman. Hindi ito ordinaryong sakit lamang na simpleng gamot at konsultasyon ay gagaling na agad. In fact, some could lead to death pa nga. Or yung iba, tumatagal ng taon ang gamutan. Sa panahong ito, marahil ay hindi ka na makapagtrabaho, wala ka ng income. Saan mo kukunin ang gastusin sa pagpapagamot kung hindi mo ito mapaghandaan? Tatakbo ka na lamang ba sa charity office or magfa-fund raising para makapagpagamot?

Losing a Job. Gaano man ka stable ang ating trabaho ngayon, walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Mahalin natin ang ating kumpanya at trabaho. Pero paano kung ang ating kumpanya na mismo ang hindi magmahal sa atin at isang araw bigyan tayo ng notice of termination? Paano kung matapos na ang kontrata natin sa pagtatrabaho abroad? May sapat kaya tayong emergency fund para sumuporta sa gastusin at pangangailangan ng ating pamilya?

Calamities, Fire and Other Unforeseen Event. Sa bansang gaya ng Pilipinas, normal na ang bagyo at lindol. Anong paghahanda ba ang ginagawa nyo kung sakaling tamaan kayo nito? Sa bahay, maaring masira ng sunog, bagyo o lindol. Sa sasakyan naman, maaaring masira ito at mabangga. Napakaraming unforeseen events ang risk sa ating pang araw araw na pamumuhay. Natural lamang na dapat maging handa tayo sa lahat ng oras.

Wala namang may gusto na mangyari sa atin ang mga ito. Wala rin namang makakapagsabi kung kailan ito mangyayari sa atin. Ang tangi lamang nating magagawa ay paghandaan ang mga ito sakaling baka isang araw, sapitin natin ang isa sa mga ito.

Ikaw, gaano ka kahanda? Sapat na ba ang mayroon ka to protect your assets, families and beneficiaries? Congratulations kung oo ang sagot mo. Pero kung hindi, mag-isip-isip ka na at siguruhing protektado ka habang pwede at kaya mo pa.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*