FLPH Updates
Magkano nga ba ang kaylangan mong insurance?

Magkano nga ba ang kaylangan mong insurance?

insurance policy

Ang pagkuha ng insurance ay pinag-aaralan din. Hindi basta nakakuha ka, hindi mo naman naiintindihan kung tama i sapat ba ito para sa iyo at sa mga maiiwan mo.

Sabi ko nga, walang one size fits all pagdating dito. Dapat custom made ito base sa kung anong needs mo. Hindi yung nakita mo lang si kumpare mong kumuha, kumuha ka na rin. Wag basta umasa na lamang sa kung anong sasabihin ng agent. Basa basa din pag may time.

Magkano nga ba ang kaylangan mong insurance?

Eto ang ilan sa mga dapat nyong tingnang maige sa inyong insurance plan.

LOSS OF LIFE. Worst scenario ito, kung maaga kang kukunin ni Bro. Ito ang una mong tingnan sa insurance coverage mo. Mostly sa mga nakita ko na kinukuha eh around P1M na coverage. Ang tanong ngayon, sapat ba ang perang yan sa mga maiiwan mo?

Kumuha ka ng insurance para kahit anong mangyari sa yo, may matatanggap ang pamilya mo. Wala namang insurance na magcocover sa mga naiwan mo habang buhay. Halimbawa kung yung P1M coverage ang kinuha mo. Sa tingin mo gaano katagal nila yan magagamit?

Ang insurance ang dapat mag provide ng financial assistance sa mga maiiwan mo. Hindi ito forever, pero dapat sapat upang makatayo sa sarili nilang mga paa ang mga maiwan mo. For example let’s say 5 years. By that time sa tingin mo OK na ang mga naiwan mo. Now, magkano naman ang monthly expenses nila ngayon? Let’s say ang monthly expenses nila ay P30K. In a year, that’s P360K multiply by 5 years. A total of P1.8M. Samakatuwid, ang kaylangan mong insurance coverage is minimum P1.8M para mabuhay ng maayos ang mga maiiwan mo for another 5 years. Get’s mo ba?

DISABILITY/PARTIAL DISABILITY. Halos same lang sin ang computation nila. Ask yourself, kung mangyari ba to sa yo maayos pa rin buhay ng pamilya mo? Kung hindi, adjust your insurance. Merong mga income protection plan na pwede mong kunin.

Hospitalization. Alam naman natin na magastos magkasakit. Kung magkano mang amount ang gusto mong coverage dito, depende na yun sa atin. Magkano ba ang rate ng hospital sa inyo? Sapat na ba ang P1K a day? Or P3K a day na plan? Just take note, kung mataas ang coverage na gusto mo, tataas din ang premium na babayaran mo.

CRITICAL ILLNESS. You should consider this one kahit may kamahalan. Most basic inaurance kase di nila covered yung mga critical illness like cancer. No one knows what will happen in future, mas magandang paghandaan na lang natin. Kung magkanong coverage ang gusto mo, idepende mo na lang sa kung magkano ang kaya mo. Basta dapat alamin mo rin magkano ba ang approximate gastos kung tamaan ka ng illness na yan.

BENEFICIARY BENEFITS. May mga insurance na pati ang mga family members mo ay covered. Like sa company nyo. Pag aralan mo na lang mabuti kung sapat na ba ito. Kung hindi, dagdagan mo.

Hindi tayo limitado sa isang insurance lamang. Pede kang kumuha kahit ilan ang gusto. Basta kaya mong bayaran eh, walang problema dyan.

Basa-basa, ikot-ikot at tanong tanong bago ka kumuha ng insurance. Maraming klase ng insurance kaya kung hindi mo ito alam, baka maling insurance or hindi angkop sa iyon ang makuha mo.

Take note, life insurance lang po ang sinabi ko dito. Meron pa tayong tinawag na insurance computation for asset protection. Next time na lang siguro, baka humaba lalo ang post ko.

Ito naman po ay hindi compulsory sa atin. Guide lamang po ito sa maayos ng pagkuha ng tamang insurance.

Hindi po ako ahente ng insurance, mas mainam kumonsulta sa mga ito. Pero kung magtatanong kayo, sasagutin ko naman base sa aking limitadong kaalaman. Kung wala kang kilalang insurance agent, aba’y message mo ako. Marami akong kakilala na pwede kong i-refer.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*