FLPH Updates
May IPON ka ba?

May IPON ka ba?

savings

Meron ka pa nga bang naiipon?

Kung ngayon na nagtatrabaho ka at wala kang ipon, paano ka makakapag-ipon bukas na wala ka ng trabaho?

Marami kase ang rason, hindi pa daw nila kaya ngayon. Kesyo maliit lang daw ang sweldo nila at walang natitira. Marami daw pinagkakagastusan, kabi kabila. Kaya ayon, walang wala. Kawawang kawawa.

Kaya lang sa tingin mo, lumiliit ba mga gastusin mo araw araw? Nauubos ba ang mga pangarap mong pagkagastusan ng pera mo? Sa paglaki ba ng sweldo mo lumiliit ang gastos mo?

Tanda mo ba ng nag abroad ka, mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak mo lang naman ang pangarap mo. Ngayong tapos na at nakalimang taon ka na abroad, gusto mo naman ng bagong bahay. Tapos magarang sasakyan. Tapos mga ari-arian. Sa tingin mo, ilang taon mo uli pagtatrabahuhan yan para mabili mo?

Ubos na ba mga pangarap mo after nyan? Siguro naman hindi. Walang kaubusan ang ating mga pagkakagastusan kung patuloy mo itong gagawing dahilan. Hindi na ako magtataka kung ito ang dahilan mo kung bakit wala kang naiipon kahit gaano ka pa katagal sa abroad. At kahit gaano pa kalaki ang kinikita mo.

So kelan mo balak mag ipon? Kung kelan matanda ka na at malapit na mag retire?

Madalas ito ang nagiging sitwasyon natin. Pero unfortunately, huli na ang lahat. Sinayang mo na ang maraming panahon na sana’y lumago pa ang iyong pera.

Kung sa bagay, ito naman ang uso sa atin ngayon. “Aalagaan naman ako ng mga anak ko. Mahal nila ako, di nila ako pababayaan”.

OK yang ganyang rason. Lalo na kung nakakaluwag naman sa buhay ang mga anak mo. Pano kung hindi? Kung papipiliin sila between gatas ng anak nila or gamot mo, sa tingin mo anong bibilhin nila? And take note, hindi sapat na mahal ka ng mga anak mo lang. Ipanalangin mong mamahalin ka rin ng manugang mo. Did you get my point?

Kung magi-ipon ka, gawin mo na ngayon. Simulan mo ng pakonti konti, hanggang sa lumaki. Start with 1% of your salary para di mabigat. Bawasan mo na lang muna ang starbucks mo, yung yosi mo or yung paggala mo.

Pag komportable ka ng makaipon ng 1%, dagdagan mo na hanggang sa lumalaki na ang naiipon mo buwan buwan.

Take note, hindi lang basta iniipon ang pera. Kelangan mo itong iinvest para magtrabaho sila at lumago para sa kinabukasan mo.

Wag mong hayaang mahuli ang lahat. Wag kang gumaya kung ano ang ginagawa ng karamihan ngayon. Para pagdating ng bukas, hindi ka matulad sa karamihan na wala man lang ipon sa kanilang pagtanda.

Kung ang maid nga ni Bo Sanchez na P7K a month ang sweldo, may ipon at nag-iinvest. Ikaw pa kaya? Basahin mo na lang yong book nyang  “My Maid Invest in Stocks”. Get a free copy here: Truly Rich Club

Learn financial literacy. Save. Invest.

Don’t know where to start? Join The Global Filipino Investors (TGFI) here: http://on.fb.me/1eC40gZ

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*