TGFISG Updates
Mutual Fund

Mutual Fund

mutual funds

Teka, basahin mo muna OK? Iniisip mo na kaagaad pang mayaman lang toh. Let me explain muna.

Na try mo bang sumali sa paluwagan? Diba may in-charge na kumukuha ng pera nyo at sya yung humawak?

Ganon din sa mutual fund. Ang kaibahan nga lang, yung pera ini-invest ng fund manager sa iba ibang instruments. Kaya may posibilidad na malugi or kumita depende sa takbo ng merkado.

Wag ka mag-alala, regulated ng SEC ang mga kumpanyang nag-ooffer nito. Makakatulog ka ng mahimbing.

May risk lahat ng mutual fund investments pero iba iba sila ng risk level. May high risk at may low risk din naman. Tandaan, pag high risk ang investment, possible high din ang gains. Kung low risk investments, low din ang gains.

May apat na klase ng funds na pede mong pag-investan: Equity, Bonds, Balance at Money Market

Equity Fund. Ito ang highest risk investment, highest gain din naman. Iniinvest sa mga equities or stocks ang perang nalikom dto. Kikita kyo dto pag lumago yung value ng mga stocks na binili ng fund manager. Usually yung mga malalaking company lang binibili nila gaya ng SM, PLDT, BDO, Ayala at iba pa. Hinahati nila ang pera sa iba ibang stocks para diversified. Mawa-wipe out lang ang investment mo dto kung sabay sabay magsara yung mga company na yun. At kikita ka naman kung kumikita rin yung mga company ba yun. Kumikita ba sina SM, Ayala, PLDT, Globe at iba pa? Malamang, kase open pa sila. Kung lugi yan sarado na sana.

Bond Fund. Eto low risk naman to, low nga lang din ang return. Yung mga kumpanya para makalikom ng pera pang expand ng business, nag iissue sila ng tinatawag na bonds. In short, nangungutang sila at babayaran nila yun sa specified time with interest. Sa fund na toh, yun yung bibilhin ni fund manager. Mas safe sya kesa stocks, kase kapag nagsara ang isang kumpanya, ililiquidate ang mga assets nyan at babayaran yung mga bond holders. Whereas kung stocks holder ka, 0 value ka agad. Government like Philippines, umuutang din sila like Tbills or yung treasury bills with fixed interest return on specified number of years. Pede rin itong pag invesan ni fund manager.

Balance Fund. Dito naman, 50% ng funds ay ini-invest sa stocks, 50% sa bonds.

Money Market Fund. Sa mga short term instruments naman ini-invest ni fund manager yung pera dito. Gaya ng SDA, time deposit at iba pa. So far hindi maganda yung returns ng fund na toh kaya hindi ako fan nito 

Mostly P5K ang opening account ng mutual funds investment account. Minimum P1K naman kung gusto mo magdagdag. Hindi ka oblige na maghulog buwan buwan, nasa sa sayo kung kelan mo gusto maghulog at may pera ka. Kung ano lng nahulog mo, yun lang din yung investments mo.

Another good thing dito, hindi nakatali ang pera mo. Pwede mo sya kunin anytime. Yung current value nya ang makukuha mo.

Brief description lang to ha. Kung gusto mo mag invest, pag aralan mo munang mabuti. Tanong tanong, attend ng mga seminar at talks.

Aral muna bago invest.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*