FLPH Updates
Personal Equity and Retirement Account (PERA)

Personal Equity and Retirement Account (PERA)

PERA

Noong 2008, isinabatas ang RA 9505 or PERA upang makatulong at makahikayat ng mga Pilipino para mag invest at mag save para sa kanilang kinabukasan. Sa darating na 2014, mai-implement na ito. Isa po itong voluntary way of saving and investing.

Kung nasa ibang bansa kayo, katumbas nito ang CPF sa Singapore at 401K sa US.

May apat na group components ito: Administrator, Contributor, Investment Manager at Custodian.

Administrator ang lalapitan natin para mag open ng account. Alam ko ang BDO ay accredited administrator.

Contributor naman ang tawag sa atin. May 2 category ito: local employee or yung nagtatrabaho sa Pilipinas at mga OFW’s.

Custodian naman ang in charge na tumanggap ng fund at mga keep ng lahat ng records.

Investment Manager naman ang tawag sa mga taong magi-invest ng pera natin.

Bakit maganda ang PERA fund para sa mga Pilipino?

1. Pag nag hulog ka dito, qualified kang makakuha ng tax credit na 5% ng iyong total contribution. So kung sa isang taon meron ka ng P100K na contribution, pwede kang magparefund sa BIR ng P5K 

2. Ang earnings nito ay exempted sa tax.

3. Eto ang maganda, employers contribution. Sa Singapore kse, kung magkano ang maihulog mo sa CPF fund mo, kailangang tapatan yon ng employer ng same amount na dapat ihulog din sa iyong fund. Under PERA, pwedeng magdagdag ng fund ang mga employer sa fund ng kanilang employee. At ang lahat ng fund na madadagdag nila ay exempted sa withholding tax ng company, dahil pwede nila itong i-deduct sa kanilang total gross income. In short, mas mahihikayat pa silang magbigay ng kanilang share.

4. Ang fund, depende sayo ay pedeng i-invest sa iba-ibang investment instruments gaya ng UITF, stocks, insurance, pension plan, ETF, bonds at iba iba pa. Depende sa iyong risk apetite at investment preference.

5. Pagdating mo ng retirement age ng 55, pede mo ng kunin ang iyong pera or pede mo rin syang iwananang naka invest. Provided na may minimum kang 5 years na contribution. And it’s tax free.

6. In case of accident, disability and death, pede rin makuha ang iyong investment tax freee. Wala ka nag real estate tax na babayaran.

Kung sa Pilipinas ka nagtatrabaho, maximum of P100K ang pwede mong maihulog sa iyong PERA fund yearly. Kung OFW ka naman, nasa P200K ang pwede mong mahulog yearly. Syempre, kelangan din nila itong ilimit, considering na may 5% tax credit ka sa gobyerno from your total investment. Pede kang maghulog ng higit dito, kaso yong excess sa maximum allowed ay hindi na qualified sa 5% tax credit.

Since long term ang purpose ng fund na ito, may mga penalties sa early redemption at withdrawal. Hindi pa finalize ito kung magkano at anong rule, but soon it will be available. In case of #6, syempre exempted ito sa penalty.

Kung meron ka nang investment in stocks, mutual funds or UITF, sige ipagpatuloy mo lang. This PERA is mostly suited sa mga wala pang nasimulan. At this point of time since bago pa sya, we cannot predict how much it could grow in a year. Syempre, wala pa rin naman kaseng detailed at outlined na investment packages na pwede i-offer sa atin.

Since 2014 nga ito magiging available, it’s something that we can look forward.

May mga investmests na rin ako, kaya watch mode muna ako paglabas ng PERA. After few years at nakita kong OK naman sya pati ang growth nya, I might consider transferring some of my investments to this fund.

Why? Imagine if you have 5 million worth of stocks or mutual fund account. In case you die, need pa ng beneficiary mong magbayad ng estate taxes before nila makuha ang naiwan mong pera. That’s around half a million plus 15% ng excess dito. Laking halaga diba. Poproblemahin pa yon ng mga naiwan mo. Pero kung nasa PERA ang investments mo, exempted ito sa tax at makukuha ng mga beneficiary mo ng walang bawas. Aside dito, malaking bagay din yong tax credit na pede nating makuha.

Syempre, brief description lang poi to. For full details of PERA, visit BSP site here http://bit.ly/1jZSJNe

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

One comment

  1. good news po sir richard kung may ganun..na implement na po ba ito sir? saan po pwedeng mag inquire about dito? salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*