FLPH Updates
Practice Delayed Gratification

Practice Delayed Gratification

practice delayed gratification

Ang ganda nito pramis. Kung gagawin lang sana to ng maraming tao, for sure lahat sila magiging financially free pag dating ng araw.

Sabi ni Wikipedia, delayed gratification, or deferred gratification, is the ability to resist the temptation for an immediate reward and wait for a later reward.

Sa tagalog, pagtitiis dahil alam mong mas maganda ang kahihinatnan after.

Ang tanong lang, kaya mo kayang magtiis at maghintay para sa mas magandang bukas?

Let me give you examples para mas makarelate kayo.

Isa kang OFW na kakasimula pa lang ng trabaho sa abroad. Ano bang tipikal na pangarap mo? Magkaron ng malaking bahay, magarang sasakyan, malawak na lupain at kung anu-ano pa.

Syempre gusto mong maging sikat eh. Ikaw na ang hari! Hari ng yabang.

Kung ganito ang gagawin mo, sa palagay mo saan ka pupulutin after 10 years?

Malamang nasa abroad ka pa rin, hindi pwedeng umuwi kase nagbabayad pa ng utang. Ginusto mo yan eh, dumami naman ang assets este liabilities mo pala.

Suppose bagong OFW ka at gusto mo ng mansion agad agad, mga worth 2million para pinakamalaki sa barangay nyo. Since wala kang pera, mag loan ka sa bank payable in 10 years. Dream house mo to eh, kaya dapat malaki agad.

Kung magloan ka sa bank ng 2 million with let’s say 12% interest. In 10 years you have to pay them around P29K monthly, at sa kabuuan magbabayad ka sa kanila ng around 3.5 million.

After 10 years, tapos na kontrata mo abroad. Uuwi ka na, para makita yung pinaghirapan mo. Worth 2 million na bahay…wow! Wala kang savings kase binabayad mo buwan buwan. Then narealize mo, kelangan mo na uli pala umalik sa abroad kase wala ka ng pera.

Nakakarelate ka ba? Ganito rin ba cycle ng buhay mo? Every year may bagong project. After ng bahay, brand new car naman. Tapos lupain. Tapos condo. Walang katapusan di ba? Parang nangongoleksyon ka lang, yon nga lang mamamatay ka na lang di mo mo pa magawang makumpleto ang collections mo.

Sa tingin nyo pag ganito ang pattern mg buhay nyo, kelan kayo pwedeng mag retire? Di naman kayo pwedeng magtrabaho habang buhay.

Try natin i-apply ang delayed gratification. Imbes na bumili agad ng bahay, ilagay muna natin sa Equity Funds yung pera natin. Iniisip mo after 10 years ka na lang bibiili ng bahay pag lumago na ang pera mo.

If you invest P29K monthly for 10 years and IF mag grow yan ng 20% annually, after 10 years meron kang approximate 10.8 million. (If 15% growth that’s 8.12 million)

Let’s say yung pang brand new car mo naghuhulog ka instead sa equity fund mo ng P14K per month. After 10 years kung mag grow yan ng 20% that’s 5.2 million. (If 15% growth that’s 3.92 million)

So after 10 years kung nag-invest ka sana muna compare sa bumili ng bahay at car, meron ka na sana worth 16 million na assets.

Kung aanak yan ng 20% uli per year, that’s P3.2M in a year and around 260K per month.

Take note, hindi mo ginagalaw ang capital mong 16 million.

Mabubuhay ka na ba ng 260K per month?

Malamang sobra sobra na yon. Pero sa loob ng 10 taon, bahay at car lang ba ang pwede mong aplayan ng delayed gratification?

After 10 years ay nagawa mo yan, may pambili ka na ng malaking mansion at mas magarang sasakyan.

Narealize nyo ba kung gano kaganda ng principle na to kung ma-apply lang natin sa totoong buhay? Meron talagang way na makapag retire tayo ng maaga at makauwi ng Pinas. Di na natin kailangan magtrabaho sa abroad habambuhay.

Ang tanong, kaya mo kaya?

(Note: Mutual fund returns are not fixed. It can be higher or lower than their previous gains. It’s subject to market volatility. Figures here are for illustration only.)

Again, kung kaya mo nga tapos di mo naman alam kung pano mag invest wala din. Sa tingin mo lalago ng ganyan ang pera mo sa savings account or time deposit?

Aral muna bago invest. Wag yung nabasa mo lang once or nakita sa wall ng friend mo, GO ka na rin.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

2 comments

  1. Nice article kuya Richard. Palagi ako nagbabasa d2 sa blog mo, keep em coming 🙂

    Napansin ko lang kuya mali po yung computation ng 20% ng 16m, it should be 3.2m.. Nung binabasa ko parang naliitan ako sa 20% kya kinompute ko, baka malito din yung iba. hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*