FLPH Updates
Sagad ka na ba?

Sagad ka na ba?

sagad ka na ba

Sa araw araw kong pag post ng mga financial related ek ek, marami rami na rin naman akong nahikayat na mag save at mag-invest para sa kanilang future.

Yun nga lang, may mga tao rin namang hindi ko ma convince. Ayaw nila hindi dahil hindi maganda ang sinasabi ko, kundi dahil wala daw silang pera.

In short, sagad na sagad na daw sila. Eto yung mga typikal na malalaki yung sweldo kumpara sa average, pero isang kahig isang tuka pa rin.

Imagine yourself: Naka LV na bag, wala namang pera. Naka iPhone, wala namang ipon.

Kawawa ka naman.

Pero ang tanong, sagad ka na nga ba?

Nakakapanigarilyo ka pa ba? Sa Singapore $10 ang isang kaha. Kung makaubos ka ng 10 sa isang buwan, $100 din yun.

Nakakapag starbucks ka pa ba? Palagay natin minimum order ay $8. Kung 4 times a month mo gagawin, $32 din yun.

Nakakabi ka pa ba ng bagong gadget? Magkano ba ang laptop ngayon? Ang iPad? Ang DLSR? Laking pera din yun.

Nakakakain ka pa ba sa labas? Magkano ba nagagastos mo sa kada meal? I-compare mo nga kung sa bahay ka kakain.

Nakakakain ka pa ba ng complete GO, GROW and GLOW na meal? Yung kumpletong meal na may rice, may veggies, may fish at may pork/beef pa at a time.

Nakakapagsine ka pa ba sa isang buwan? $11 din yun ah.

Nakakapagtext ka pa ba ng “dto na me”, “c u l8tr” at “k”? Piso din yan kada isa.

Kung sumagot ka ng kahit isa man lang, aba’y hindi ka pa sagad!

Akala mo lang yun, pero HINDI HINDI HINDI.

Di lang yan ang mga instances, marami pa. Gusto mong makakita ng sagad na? May trabaho nga tayo at kabuhayan nasasagad, pano kaya yung mga kababayan nating walang trabaho at walang kakayahang kumita ng pera?

Syempre yung mga natamaan todo explain. Dun ka kay #INAY mag explain.

Tandaan, ang pagsisisi laging nasa huli.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*