FLPH Updates
Savers are Actually Losers

Savers are Actually Losers

savers are losers

Kalma lang, let me explain muna. I’m referring to those who have all their hard earned money in the bank.

Bakit ‘ka nyo? Ganito yan…

Pag nag-open kayo ng savings account sa bank, maliit lang ang interest na binibigay nyan. Average siguro nasa 0.5% per annum. Check mo na lang sa bangko mo kung magkano, iba iba kse yan.

Pag punta mo sa bank at mag open ng account, todo sales talk si ate. Papamukha nya sa yo maganda mag open ng account sa kanila, kumikita pa ang pera mo 

Kaya lang ang tanong, kumikita nga ba?

Halimbawa meron kang P10K at nag open ka ng savings account mo. After a year kung 0.5% ang interest, kumita ka ng P50 sa isang taon. Oh diba, walang effort..

Wait lang, taxable ang earnings ng account mo sa bank. 20% lang naman, laki di ba? Di bale sana kung mapupunta sa mga kababayan naten. Pano kung sa buaya lang mapunta?

OK balik tayo sa pera mo. So after a year, meron ka lng kita ba P40 pesos sa P10K mo.

Ano, happy ka na ba? Lumaki na ba value ng pera mo?

Di pa dyan nagtatapos ang lahat. Meron pa tayong tinatawag na inflation. Eto yung yearly na pagtaas ng mga gastusin at pagbaba ng value ng pera mo.

Nung elementary ako, 50 cents lang pamasahe sa jeep. Ngayon P8 pesos na.

Ang average inflation natin sa Pinas ay nasa 5% annually.

Kung kumita ka ng 0.5% (minus 20% withholding tax on gains) at nabawasan naman ng 5% ang value nito dahil sa inflation, happy ka pa ba?

Nasundan mo ba sinasabi ko? Na compute mo ba?

Ibig sabihin, sa halip na dumami pera mo sa bank, nabawasan pa ang value nito ng 4.5%.

May nag text! Naka time deposit daw pera nya sa bank, hindi savings account.

Ganon din yun, kase ang kita sa time deposit ay maliit din lang, mas mababa sa inflation rate. Plus taxable din ng 20% ang gains ng time deposit mo. Unless i-keep mo sya more than 5 yrs, tax free na sya.

My point is, you are losing money in the bank.

Don’t get me wrong, I love banks. All our emergency funds are in banks.

My point, there’s more opportunities than banks.

Kaya dapat maghanap ka ng paglalagyan ng pera mo na pwede itong kumita ng higit pa sa inflation.

Kung ano man yun, i GOOGLE mo 

Kaw ba, san ba nakalagay pera mo?

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*