FLPH Updates
Time + Energy + Money

Time + Energy + Money

time money energy

Para sa maayos na pamumuhay at upang makamtam natin ang financial freedom, kailangan natin ng tatlong ito: Time, Money at Energy.

TIME + ENERGY – MONEY. Natatandaan mo nung kabataan mo pa? Full of energy. Ang dami mong oras, kase wala ka namang trabaho non. Sa simula syempre hindi ka pa pumapasok non. Ang dami mong gustong gawin sa buhay, marami kang pangarap. Kaso, wala ka namang sapat na pera para gawin ang lahat ng ito. Sa madaling salita, eto yong time na dependent ka lang sa allowance mo sa iyong magulang. Baon ika nga. Kung may matira, yon pa lang yong gagamitin mo para magawa yong bagay na gusto mo.

ENERGY + MONEY – TIME. Andito ang karamihan sa atin ngayon. Full of energy, busy sa trabaho. We have the money. Yung iba pa nga, sobra sobra pa sa kanila. Kaya lang, na enjoy ba natin ang ating buhay? May TIME ka pa ba para sa iyong pamilya? May TIME ka pa ba para gawin ang mga pangarap mo noong bata ka pa? Malamang, karamihan sa atin ay nakatali sa ating mga trabaho. Yung tipong nagbabakasyon kayo pero iniisip mo yong trabaho mo pagbalik mo. Hindi maiwan-iwan kase dito tayo kumukuha ng ating panggastos sa bawat araw.

MONEY + TIME – ENERGY. Retired ka na. Ilang taon ka ring nagtrabaho. Full time ka na ngayon sa iyong family, marami kang nakuhang pera mula sa yong retirement. May pension pa nga yong iba. Marami ka ng pera. Kaya lang, matanda ka na. Mahina na ang iyong pangangatawan. Hindi ka na kagaya ng dati. Paano mo ngayon mae-enjoy ang iyong time at money? Aanhin mo ang kayamanan at perang naipon mo kung hindi mo naman na ito mapakinabangan.

Yung iba or karamihan pa nga, isa lang yong meron sila nito.

Ikaw, meron ka ba ng 3 ito? Congratulations kung meron. Kung wala, may ginagawa ka ba para makamtan ito?

We need to get out of the rat race and enjoy life with our time, money and energy. The sooner the better.

Ayusing maige ang kaperahan. Simulan mo nga ngayon habang hindi pa huli ang lahat.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*