FLPH Updates
Where to Invest: Stocks or Mutual Funds?

Where to Invest: Stocks or Mutual Funds?

stocks-vs-mutual-fundsKung baguhan ka sa larangan ng pagi-invest, marahil ay nakapagtanong ka na rin kung ano ba talaga ang mas magandang paglagyan ng iyong pera: stocks ba or mutual funds? Pareho silang investment vehicle na pwede nating i-avail. At dahil nga sa maganda ang takbo ng merkado ngayon, maraming na-eengganyong mag-invest. Pero alin nga ba sa 2 ang dapat sa inyo?

Rate of Return. Sa stocks, maari kang kumita ng 50% in day or higit pa. Sa mutual fund, hindi kayang kitain yon in a single day. Kaya lamang sa stocks, kung malaki ang possibility mo na kumita, malaki rin ang chance mo na malugi as much as 50% in a single day. Can you take that amount of risk?

Management. Sa stocks, ikaw mismo ang bibili nito sa merkado. Madali lang naman, para ka lang nagshashopping. Ang tanong nga lang, anong stock ba ang bibilhin at kelan bibilhin. Sa mutual fund, maghuhulog ka na lang ng pera, ang fund manager na ang bahalang mag invest sa stocks on your behalf.

Time. Ang stock market ay open lamang ng Monday to Friday, 9:30AM to 12noon at 1:30PM to 3:30PM Philippine time. Kung wala kang time para dito, hindi para sa iyo ang stocks. Whereas kung mutual fund, hindi mo na ito kailangan. Basta maghulog ka lang sa investment account mo, automatic yung fund manager na ang bahala sa investment mo. Sila na ang bibili ng magagandang stocks para sayo.

Diversified. Let’s say may pera kang PHP5K at nag start ka mag invest. Both stocks and mutual fund eh PHP5K ang minimum account opening. Kung stocks, malamang ibibili mo lang ang pera mo ng isang stock, halimbawa SM. So meron ka ngayong worth PHP5K shares ng SM. Yung growth ng investment mo ay nakasalalay sa growth ng SM. Kung malugi ang SM, lugi rin ang investment mo. Kung kumita naman sila, kikita rin ang pera mo. Sa equity type ng mutual fund naman, iniinvest ng fund manager ang pera mo let’s say PHP5K to around 20 to 30 companies. Pwedeng ang combination eh SM, PLDT, GLOBE, AYALA, etc. Sa makatuwid, magsara man ang isang company halimbawa, safe ang pera mo kse may iba pang company na existing pa rin at pagkakakitaan ng pera mo. Unlike sa stocks na nakasalalay lng sa isang company. Sa investment kase, mahalaga ang diversification. Do not put your eggs in one basket ika nga.

Long Term. Sinong maga-akalang ang kumpanyang kasing laki ng Nokia ay hihina at bibilhin ng Microsoft. Sila ang pinakalamaki at pinaka sikat na phone manufacturer noon. Posibleng ganito rin ang kahinatnan kung sa isang kumpanya or sa stocks ng company ka lamang mag invest. Kahit pa sabihin natin na sila ang leading company pagdating dito. No one can predict the future. Samantala, kung sa mutual fund ka nag-invest, malaki ang chance mo na hindi humina or magsara sabay sabay yong mga company na pinagi-investan mo. In the long run, mas magandang mag invest sa mutual fund kesa sa stocks.

Investment Knowledge. Sa stocks, dapat alam mo ang fundamental at technical ng stocks na bibilhin mo. Hindi naman pwede na bili ka lang ng bili sa kung ano mang sabihin ng kakilala mo. Kailangan mo rin itong aralin kahit papaano. Sa mutual fund, si fund manager na ang bahala sa iyo. Relax and keep adding to your investment.

Computer and Internet. Since online ang pagbili ng stocks, kelangan mo ng computer at internet connection. Dapat mabilis na internet connection, para hindi lagging ang pagbili mo ng stocks. Kung sa mutual fund ka, hindi mo na ito kaylangan.

Fees. In terms of fees, sa stocks yong sales taxes lang ang babayaran mo which is automatically deducted everytime you buy and sell shares. Whereas in mutual fund, there are sales load, management fees and exit fees. Though all in all, minimal lang naman.

Risk. Stocks is riskier than mutual fund. Para sa mga taong may appetite to risk their investment money, you can go with stocks. Pero sa mga taong may less risk appetite, you better choose mutual funds. Volatile ang market with everday ups and down. Can you sleep well seeing your investment down 50% in a day? If not, mag mutual fund ka na lang. With all the reasons I have stated above, may idea ka na kung ano ang pipiliin mo 🙂

(Note: I refer to equity pooled fund in comparing with stocks.)

Aralin mo muna bago ka mag invest. Make sure you follow the correct financial steps.

If you have questions, feel free to leave a comment, email me or message me in Facebook.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

5 comments

  1. Maganda ang move ng COL to have stock trading/investing and mutual finds….Pero ang hahanap ako ng company nag nag oofer ng VUL. Ask ko lang kung alin sa companies na ok? SunLife, BPIPhilam? BDOGenerali?

    Salamat 🙂

    • VUL is offered by insurance companies. meaning your main goal is to get insurance, 2nd priority ang investment. there are lots of companies in the Philippines offering it…. get quotation, compare and decide which one is best for you.

  2. Vimar Legaspi Newbie sa TGFI

    i recently acquired an insurance from PHILAM for 100K/yr. but i think na nagkamali ako kasi hindi ko na inisip na maaring may iba pa akong pagka gastusan, now im not sure kung makakaya ko na bayaran yun yearly premium ko kung makapag hulog man ako eh baka less than 100K. ndi na pla pede baguhin ang policy once its already made kahit pa may option ang PHILAM na pede mo ito hulugan ng monthly or Quarterly eh medyo mahihirapan ako dahil may mga sumabay na gastusin. im afraid na more or less eh baka mag lapse ang VUL ko. so naisip ko na mag apply ng MF sa BPI(ALMF) pero ndi pa yata na process ang application ko, sa tingin nyo ba sir makakatulong sa akin ang MF para mapunuan ko ang pang hulog ko sa VUL para ndi naman sya masayang?

    • hi vilmar:-) try to talk to your PHILAM advisor, some VUL policies you can decrease the coverage/premium after 2 years. If you can, try to do that. Regarding MF opening to fund your VUL, this is not a good idea as MF investment is long term, 5 years onwards ideally especially kung growth ang habol natin. Now if you plan to invest in MF para may pangbayad sa VUL mo every year, that is not a good idea.

  3. San po maganda mag invest ng MF? Beginner po ako ng MF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*