FLPH Updates
Your House is Never an Asset

Your House is Never an Asset

house is not asset

Ito ang unang lesson na natutunan ko kay Robert Kiyosaki thru reading his books. Sabi kasi nya, asset is anything that gives you income. Sino nga naman magbabayad ng bills sa bahay mo? Sino nga namang magpapagawa nito kung masira? Kung ikaw ang maglalabas ng pera, liabilities na yan hindi asset.

Sa una, mahirap ito tanggapin kase kabaliktaran ito sa kultura na merontayo at sa definition natin ng asset. Sa atin kase, baliktad. House is an asset. Kaya nakalakihan na natin at sya ring sinusunod. Simbulo na rin kase ng antas ng pamumuhay natin ang bahay. Malaking bahay, mayaman ang nakatira. Regardless kung utang pa yan. Basta ang mahalaga sa atin, kung ano sabihin ng iba.

Try mo tanungin ang magulang mo about this topic. Sigurado yan din ang sasabihin nya. Kase ganon din sila pinalaki.

Magsasampung taon na ako bilang OFW. Marami na rin akong nakasama at nakasalamuha. Marami sa kanila, sa bahay almost napupunta yung mga pinaghirapan nila.

Kesyo ipaparenovate daw ang bahay. O di kaya magpapagawa ng bahay. Sa simula simpleng bahay lang ang plano, pero nung ginagawa na nagbabago din ang plano kaya lumulobo ang gastos.

Yung tipong mga nasimulan lang, hanggang sa nawalan na ng trabaho hindi pa rin tapos. Half bake ika nga. Kaya may mga cases na malaking bahay nga, kaso bubong, haligi at pader lang ang meron. natitirhan naman, walang isyu don. Kaso, yan ba ang pinangarap mong bahay noon?

Yung iba naman, natatapos nilang ipatayo yung mga bahay nila. Kaso karamihan, loan naman sa kung saan. Di bale na daw mangutang basta may malaking bahay naman.

Halos malaking porsyente ng pera ng OFW dto napupunta. Kaya ang kadalasang nangyayari, kailangang kumayod ng kumayod para mabayaran yung mga kautangan.

Di naman din kse nila inaakala na sosobra sa budget yung pinapagawa nila. Lalo tuloy nasira ang sira na nga nilang budget.

Wala namang problema sa bahay, hindi naman ako against doon. In fact, gusto ko rin magkabahay. Kaya lamang, kung ang iisipin natin ay magkaroon ng malaking bahay sukdulang magkautang utang, mali na po iyon.

Hindi naman bahay lang ang gastusin natin. Madalas kase ang rason natin ay may trabaho pa tayo sa abroad at kaya pa nating kitain ang pagpapagawa ng bahay.

Pano kung hindi na tayo makapagtrabaho at bahay pa lang ang naipundar natin? Kung bahay lang meron ka pag retire mo, pano ka ngayon. Makakain mo ba ang haligi ng bahay nyo? Mapapakain mo ba sa mga anak mo ang bubong ng bahay nyo?

Yung iba sinasabi asset sya kase nataas daw ang value overtime. Tama naman yon, walang duda. Kaya lamang, pag natirhan mo ng sampung taon ang isang bahay kaya mo pa ba ibenta? Syempre may sentimental value na yun sayo. Mahirap nang bitawan.

May mansion ka nga sa Pilipinas, pero nakatira ka naman sa maliit na kwarto abroad kase kaylangan mong kumayod pang bayad sa na-loan mong ipinagawa ng bahay. O di kaya, marami ka pang gustong gawin sa bahay.

Ayusing maige ang kaperahan. Planuhing maige ang iyong dream house. Magpagawa ng kaya mo lamang, yung sakto sa pamilyang meron ka. Malaking pera ang gagastusin natin sa bahay, siguraduhing may sapat kang pondo.

Laging magkaroon ng emergency fund at insurance higit sa lahat. Malaking tulong ito sa oras na kailanganin mo.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*