Are you RICH or just TRYING TO BE RICH?

Are you RICH or just TRYING TO BE RICH?

are you rich

Karamihan sa atin, nagiging sukatan ng yaman ng isang tao ang mga pisikal na bagay na meron ito. Malaki ba ang bahay? Magara ba ang kotse? Branded ba ang mga gamit sa katawan? Pa travel travel ba? Marami bang pera? Ito na kse ang nakagisnan nating kultura sa Pilipinas. Siguro sa ibang bansa ganoon din ang perception nila ng mayaman.

Kaya naman, karamihan sa atin ay nag-aastang mayaman din. Bago ang sasakyan. Malaki ang bahay. Bago at mamahalin ang mga damit.

Kaya lang, mayaman nga ba sila?

Sabi ni Brian Tracy, wealth comes from the earnings of your passive income. Kung ang pera mo ay galing sa kita mo sa pagtatrabaho, WELL OFF daw ang tawag sayo. Whereas, ang mga WEALTHY na tao daw, galing sa business at investments ang pera nila. Passive income ika nga.

Pero teka, bakit nga ba maraming gustong mag mukhang mayaman? Sawa ka na bang maging mahirap? Ayaw mo bang tawaging dukha? Kaya naman, mas inuuna nating bilhin ang mga bagay na magmumukha tayong mayaman. Kadalasan pa, mas binibigyan natin ito ng higit na importansya kumpara sa mga bagay na dapat sana’y inuuna nating paglaanan ng ating pera.

Napansin mo ba na yong mga tambay sa atin, sila pa yong mapoporma? Dito sa Singapore, mga gusgusin kung manamit pero naka BMW naman.

Ganito rin ang mindset ng karamihan sa mga kagaya kong OFW. Yung tipong na experience nila yong malaking sweldo, kaya bili dito bili doon. Maraming gusto. Walang katapusan. Walang pera ba? Hindi problema yan, pwede namang kunin ng hulugan. Or i-charge sa credit card para hindi mabigat sa bulsa. Doon tayo sikat eh, mahilig sa utang.
Last time may nabasa akong article na sa Dubai, maraming Pilipino doon ang may utang sa credit card. Di baleng magkanda-baon baon sa utang, mabili lang ang luho. Basta magmukha lang mayaman. May mga instances din naman kailangang-kailangan talagang mangutang kung makabuluhan naman ang pagkakagastusan.

Hanggang kaylan ka magpapanggap? Hanggang kaylan mo lolokohin ang sarili mo? Kaylan ka magigising sa katotohanan na unti-unti nang nasisira ang iyong kinabukasan sa di maayos na paggamit ng iyong kaperahan.

Tandaan mo, hindi habang buhay may sweldo kang tatanggapin. Hindi habangbuhay nasa abroad tayo at may trabaho. At pag wala na, mapapakain ka ba ng mga liabilities na nabili mo? Maipangbibili mo ba ng bigas ang mamahaling bag na meron ka? Maipangbabayad mo ba sa ospital ang sasakyan na nabili mo?

Huwag mong isipin kung ano ang sasabihin ng iba. Huwag ka ring gumaya sa kung ano man ang meron sila. Isipin mo ang sarili mo pagdating ng araw. Kagaya ka rin ba nilang hindi napaghandaan ang pagtanda?

Hindi naman talaga natin masusukat ang kayamanan ng isang tao sa pamamagitan lang ng panglabas na kaanyuan. Unless, makita mo ang kanyang CASHFLOW at SALN.

Sabi nga ng isang quote na nabasa ko: “Do not do things that most people do. So that in the end and when you grow old, you will do things that most people don’t do.”

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

One comment

  1. I agree with you without doubts. Most of us are fond of showing off – projecting a well off life, courtesy of credit cards or loans.
    I wish that financial literacy is part in our school curriculum. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.