Assets or Liabilities?

Assets or Liabilities?

assets-vs-liabilities

Eto yung topic na madalas sablay tayo.

Alam nyo simple lang naman ang dapat gawin para maging financially free. Bumili ng bumili ng maraming ASSET. Yun lang. Period.

Ang problema nga lang, di natin alam kung ano ba yung asset, ano ba yung liability.

Sabi ni Daddy Robert K, ang asset daw ay nagbibigay sa atin ng income. Yun yung passive income.

On the other hand, ang liability naman ay yung tayo ang naglalabas ng pera.

Simpleng simple lang ang explanation di ba. So kailangan lang bago bilhin ang isang bagay, alamin kung ito ba’y asset or liability sa yo.

Dito maraming nagkakamali. Mali tayo ng akala. Akala naten asset yung pinupundar natin, liabilities pala.

Sige nga tingnan natin kung anong mga naipundar mo na.

Bahay. Kung tinitirhan nyo, aba’y liabilities yan. Sino nagme-maintenance? Sino nagbabayad ng utility bills? Kung ikaw, eh di liabilities nga. Pero kung pinapaupahan mo naman yung bahay mo at may positive kang perang nakukuha every month, congratulations. Asset yan!

Car. Sino nabili ng gas? Sino nagbabayad pag nasira? Kumikita ka ba dito? Oh di ba, klarong klaro liabilities yan. Pero kung gagawin mo namang taxi, asset na yan kase kikita ka dyan.

Lupa. Sino nagbabayad ng amilyar o tax taon taon? Kung ikaw, eh di liabilities din yan. Kung pinapaupahan mo naman at may kita ka monthly, asset na yan. It doesn’t matter kung nag appreciate na yung value nya kung hindi mo naman ibebenta.

Teka, may #nagtext ! Sabi asset daw yung lupang nabili nya kase 10 years ago, 1million lang bili nya. Ngayon daw eh nasa 2 million na.

Sa financial portfolio kase, habang pag aari mo sila at ikaw ang gumagastos, kelangan mong ilista yun sa liabilities column. Pero, kung ibebenta mo sya or nabenta mo na, don mo na sya ilalagay sa asset column.

Ang tanong, gaano karaming tao na ganyan ang mindset? Yung tipong ang iniisip pag bili ay ibebenta ng mahal balang araw.

Yung bahay mo for example natirhan mo ng 10 years, sa tingin mo madaling ibenta? May sentimental value na eh, napamahal ka na. Malamang di mo na magawang ibenta.

Added to that, ang dali lang sabihin na ibebenta. Pero try mo gawin, mahirap din maghanap ng buyer bka kala mo. Sige nga try mo ibenta yung condo na nabili mo 5 years ago?

The key is to keep on buying assets that will give you passive income.

Gawin mo lang yan lagi, promise darating ang araw di mo na kaylangan magtrabaho pa 

Kaya mo kaya?

Kumusta naman ang mga naipundar nyo sa Pilipinas. May asset kaya or baka puro liabilities 

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

2 comments

  1. Christine Saligumba

    thanks for sharing informative…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.