Cashflow Boardgame

Cashflow Boardgame

cashflow boardgame

Naglalaro ka ba ng monopoly game? Pwes, wag mo ng laruin. Eto ang boardgame na dapat mong laruin ngayon.

Naimbento ito ni Robert Kiyosaki at sya ring ginagamit nya sa pagtuturo ng financial literacy. May 3 version ito: Cashflow for Kids, Cashflow 101 and Cashflow 202.

Simple lang naman ang rule ng game, makaalis ka sa rat race at magkaron ng financial freedom.

Pano yun? First, ano ba ang rat race. Eto yong cycle kung saan karamihan sa atin ay nata-trap. Yung cycle na magtatrabaho tayo – kikita – gagastusin then balik trabaho na uli. Ang tanong may paraan ka ba para tumigil ng pagtatrabaho pero kikita pa rin ng pera para sa mga gastusin mo? Kagaya nating mga OFW. Hindi natin namamalayan ilang taon na pala tayo sa abroad. Taliwas sa una nating sinabi sa sarili natin nung umalis tayo ng bansa. Pero bakit nasa abroad pa rin tayo hanggan ngayon? Kase na trap na rin tayo sa rat race. At wala tayong ginagawa upang matugunan ito.

Upang makalabas ng rat race, dapat magkaron ka ng passive income na higit pa sa iyong expenses. Ang passive income naman at makukuha mo sa mga business, royalties at investments na pwede mong paglagyan ng pera mo. Sa totoong buhay pag nakamit mo yun, pwede ka ng mag retire  Mas maaga mas maganda.

Paano ba makakapagretire ng maaga at magkaron ng mga passive income?

Yon ngayon ang tinuturo ng boardgame na to. And it works. Lalo na kung ma apply mo na sa totoong buhay.

Itinuturo nito ang money management. May kanya kanya pera ang mga players na pede nilang gamitin sa daily activities ng game.

Itinuturo nito ang iba-ibang investment opportunities gaya ng stocks, mutual funds, real estate, COD’s, royalties, business, precious metal at iba pang pwede nating i-avail na makakapagbigay sa atin ng passive income. Ang lahat ng ito ay real life examples.

Tuturuan ka rin dito kung paano gumamit ng cashflow sheet upang mas lalo mong ma-manage ang iyong kaperahan. Dito mo ililista ang lahat ng perang pumapasok at lumalabas sayo.

Sa game na toh itinuturo din ang isang importanteng character ng mga mayayaman na kabaligtaran ng naiisip natin sa kanila. Yun ang generosity. Ang turo ng boardgame, pag dumating na tayo sa point na marami ng pera, kaylangan natin itong ipamahagi sa iba thru charities. Yes, sila ngayon yung nga philantropists gaya nina Bill Gates, Oprah, Warrent Buffet at iba pa.

Higit sa lahat, ipapamulat sayo ng game na to ang tamang paggamit ng kaperahan. Along the way sa ilang oras nyong paglalaro nito, unti unti nyong marerealize ang kagandahan ng game. Marami na akong nakilalang nabago ang pananaw sa buhay after nilang malaro ang game.

Kung dati dati gastador sila, ngayon ni ayaw na nilang gumastos dahil alam nila kung saan patungo ang buhay nila kung patuloy nilang gagawin ang hindi wastong paggamit ng pera.

Kung nasa Singapore ka, pwede kang sumali sa next game namin. Usually 2x a month kami naglalaro.

It’s newbie friendly kaya wag mahiya. We’ll guide you all the way.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.