Do you have the Victim Mentality mindset?

victim mentality

Wala akong kasalanan, kasalanan nyong lahat ito. Naghihirap ako ngayon kase ang letseng gobyerno na yan di ako mabigyan ng trabaho. Mahirap ako ngayon kase hindi ako napapag aral nina itay at inay. Mahirap tyo ngayon dahil sa mga sakim na mayayaman na yan

Lahat ng kamalasan sa buhay ko ay dahil syo, sa kanya, sa kapitbahay, sa aso, sa pusa at sa kung sino man dyan.

Ganyan ka rin ba manisi? Kala mo laging kawawa, laging naaapi. Wagas na wagas kung dumaing. Feeling malinis lagi, inosenteng inosente. Kala mo responsibilidad ng ibang tao ang pag asenso nya.

Sapul ka ba pre, kasali ka ba sa mga victims na to?

Subukan nyong tanungin mga kakilala nyo kung bakit hindi sila naasenso.

Bilangin nyo sabihin nyo nga sken kung may magsasabing: “Kasalanan kong lahat ito kung ano man ang kinahinatnan ko sa buhay ngayon?”

Ano meron ba? Di ba halos wala.

Sabi nga, the truth hurts.

Wag ka nang reklamo ng reklamo. Wag kang tatamad tamad. Ang grasya hindi lang hinihintay dumating, mas maganda kung pagsusumikapan.

Kung iyang inilalaro mo ng candy crush at pinagpe-facebook mong oras ay ginagamit para matuto ng bagong kaalaman, ay di sana’y maganda ang kahihinatnan ng buhay mo.

Kaso wala eh, masarap mag chillax. Pagod na sa trabaho ng 8 to 5.

Ang problem kase ng mga bata (32 pa lang po ako kaya kasali pa ko), hindi pa natin alam kung ano bang feeling ng mga matatanda. At kung tumanda na tayo, don lang natin maiisip na sana….napaghandaan natin ang ating pagtanda.

By that time, huli na ang lahat. Same excuses, kasalanan pa rin ng gobyerno or kung sino man. Mamamatay na’t lahat naninisi pa.

Grow up! Change your mindset. Magsumikap ka!

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.