Don’t Let Your Dream House Ruin Your Finances

Don’t Let Your Dream House Ruin Your Finances

dream house

Sa wakas, nakamit mo rin ang pangarap mong makapagtrabaho sa ibang bansa. Dolyar ang sahod, malaking kumpanya at magandang buhay sa abroad. Ngayon magagawa mo na lahat ng gusto mong gawin sa buhay. Mabibili mo na lahat ng gusto mong bilhin. Makakamit mo na lahat ng pinangarap mo sa buhay.

At ang una sa listahan mo, DREAM HOUSE.

Tamang tama, malaki ang sweldo mo. Malaki rin ang sobra at naitatabi mo sa bangko. Anyway, magtatagal ka naman ng ilang taon kaya kahit kakasimula mo lang, kayang kaya mo ng makamit ang iyong pangarap na bahay.

Sayang din naman kase ang pera mo kung nasa bangko lang. Tutal wala ka rin namang alam paglagyan. Baka magastos mo lang sa ibang bagay.

Hanap ka na ngayon ng gagawa. Tamang tama, yung kapitbahay nyo na gumawa ng malaking bahay sa barangay nyo, sya na lang din ang kukunin mo.

Na compute mo nasa halagang PHP 2 million ang budget mo, para sa iyo sapat na yon. Ipinakita mo sa gagawa yung plano mo. Napansin nya na parang may kulang at may hindi bagay na design. Kaya may konting revision.

Since ito naman daw ay dream house mo, bakit hindi mo po kumpletohin at gawing perpekto? Naisip mo naman, since ito yung pangarap mo at may trabaho ka pa abroad, sige itodo na.

So ang dreamhouse mo ngayon naging PHP 3 million na base sa bagong revision. Since wala ka pang ganon kalaking pera, nagloan ka muna sa bangko. Project will proceed as planned 🙂

At last, ang sarap ng feeling. Nakikita mo sa picture na pinapadala sayo inti unting nabubuo ang haligi, ang sahig at iba pang parte ng bahay.

Biglang nagkaroon ng economic crisis. Nagmahal ang mga bihin pati na ang mga construction materials.

Tumawag ang gumagawa ng bahay, at sinabi may problema sa bahay na pinapagawa mo. Dahil sa nagtaasan ang mga bilihin, baka hindi na raw ito matapos base sa dating budget nyo. In short, kailangan magdagdag ng another PHP 500K.

Since nakautang ka na sa bank, naisip mo sa mga kaibigan at kamag anak ka na lng mangutang. Problem solve once again!

After isang taon, gawa na ang iyong dream house. Exactly the way you want it. Sarap ng feeling, katas ng pawis kumbaga. Kaya lang, wala pang mga gamit sa loob. Hindi pa rin matirhan kung walang laman. Wala ka na ring naipon kase hinuhuloh mo sa bangko monthly.

Gamitin ang credit card! Tamang tama, 0% interest ngayon sa appliance center. Malaki naman ang credit limit mo kaya marami kang mabibili.

Tutal naman, may trabaho ka pa sa abroad. Kikitain mo rin yan at mababayaran lahat ng kautangan mo.

But here comes life uncertainties. Wala ka na palang trabahong babalikan. Or naaksidente ka, walang insurance at hindi na makakapagtrabaho pa.

Ano sa tingin mo mangyayari sa buhay mo ngayon? Pano na ang iyong pamilya? Pano na ang mga pinagkakautangan mo?

Ang dream house mo, malamang mailit na ng bangko. Lahat ng mga pwedeng mabenta, malamang ibenta mo na para ibayad sa credit card mo. Ang masakit nito, may utang ka pa sa kamag anak at kaibigan mo.

Paano ka ngayon?

Karamihan sa ating mga Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng dream house. Kaya lang, kaya na ba natin? May sapat ba tayong pera para dito? Napaghandaan ba natin ito? May pera pa ba tayo para sa ibang bagay? Ito ba talaga ang dapat unahin?

Bago natin planuhin ang dream house, ayusin muna natin ang ating pinansyal. Planuhing maige ang lahat. Hindi sapat na dahil malaki ang kita mo ngayon, pwede ka ng magpagawa ng bahay.

Unahin ang emergency fund, insurance at savings. Siguruhing may sapat ka para sa mga life’s uncertainties. Huwag mong hayaang mauwi sa lahat ng mga pinaghirapan mo.

Learn financial literacy. Join us in our coming TGFI Financial Events.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.