Gusto ko lang i-share yong isang option na pwede nyong paglagyan ng inyong emergency fund.
Teka, nabasa mo ba yong post ko about emergecy fund? Kung hindi pa, visit this link muna: click here
Etong post ko ngayon eh related sa insurance. Kaya you need to read my post about insurance also. Para malaman mo kung para saan ba to at bakit sya mahalaga. Eto ang link: Get Yourself Insurance
Ang sabi ko nga, dapat ang emergency fund dapat nasa bank, or yong madali mong makuha in case kailanganin mo. But then, putting it on the bank, lugi ka pa sa inflation. But it’s ok, hindi naman to beat the inflation ang purpose ng emergency fund. Malalaman mo lang ang halaga nito kung magka-emergency ka na.
Good news, recently ko lang nalaman etong isang way to get the most out of your savings account/emergency fund.
It’s about BPI DIRECT SAVE UP AUTOMATIC + INSURANCE program.
Complicated ba? Let me explain how it works.
Sa BPI Savings Bank, may isang savings account sila don where depositor is also insured. And it’s free, wala kang babayarang monthly premium.
Ang galing diba? It’s a partnership between BPI and Philam Life Insurance.
Ang amount na insured ka is base sa kung magkano ang laman ng account mo. Cover ka ng as much as 10x ng account balance mo up to 4 million!
For Basic Life, cover ka ng up to 5x your accounts balance up to 2 million.
For Accidental Death, may dagdag ka pang up to 5x ng accounts balance mo up to 2 million.
For Accidental Dismemberment, meron ka up to 2million na coverage.
Again, I am not connected to the bank. I just check from their website. Try mo rin i-check. Eto ang link: http://bit.ly/XmOrCI
So kung di naman hassle at may malapit sa inyong BPI Bank, try to inquire. Kung satisfied kayo sa explanation nila at naintindihan nyo how it works, then go ahead and transfer your emergency fund there.
Ayan ha, aralin mo munang maige bago mo ito gawin. Baka mamaya i-message mo ko at ako pa sisisihin mo.
Aba’y basa basa din pag may time.
Hi Kuya Richard,
Thanks for sharing 🙂
Thumbsup
thanks glaiza 🙂