Pag ang mayaman namatay, lalong yumayaman. Kase naka insured sila ng kung ilang milyon.
Ang mahirap naman pag namatay, lalong naghihirap. Baka utang pa ang iiwanan sa pamilya.
Mahal ba ang insurance at hindi mo kayang bayaran?
Alam nyo, mindset lang din yan eh.
Subukan nyo alukin ng insurance ang mga mayayaman. Kung wala pa sila, pakikinggan ka ng mga yan at uunawain ang sinasabi mo. Kase alam nila ang kahalagaan ng insurance.
Now subukan mong alukin ang kakilala mong feeling mayaman. Sasabihin sayo walang time makinig or walang perang pang insurance.
Bakit pa, eh may philhealth naman ako or naka insured ako ng company.
Pano kung nawalan ka ng work? Philhealth ba ka mo? Eh di naman nun babayaran lahat ng bills mo.
Kung may insurance ka, at least kikita ka pa habang nasa ospital.
Sa tingin mo alin ang mas masakit: maospital na walang insurance o yung may insurance?
“Mahal kase ang insurance eh, hindi kaya ng budget ko ngayon. Saka na lang.”
Mahal? Alam mo ba kung magkano? Nasabi mo lang mahal di mo naman pala alam.
Last last month nga lang kumuha ako ng 2 insurance P600 pesos lang monthly binabayaran ko at may coverage na up to 2.7M.
Ano mahal ba? 3 Starbucks coffee lang yun sa isang buwan. Or isang kainan lang yun sa labas.
Research research din pag may time. Online ka nga lagi madalas eh. I-google mo kaya.
Di ako insurance agent, kaya wag mo ako tatanungin ha.
Where did you get the 600/month insurance with 2.7 million coverage?
it’s thru BDO AIG insurance… message me if you want to know more about it…
sir richard, anong insurance po kinuha nu? term or while life po? gusto ko rin po malaman about BDO AIG. salamat po in advance.
Hi Richard, what kind of insurance you are talking with 2,7 million coverage? I am interested.
thanks