Kakasweldo mo pa lang ubos na?

Kakasweldo mo pa lang ubos na?

Anong nangyari? Asan ang sweldo mo?

Isang buwan mong hinintay, bakit naglahong parang bula? Di man lang nag-init sa bulsa mo.

Aha alam ko na kung nasan ang pera mo. Naubos ito malamang dahil…

Pinangbayad mo sa hinuhulugan mong bahay at lupa. Mansion yon, kase gusto mo malakihan yung bahay ng mayabang nyong kapitbahay.

Pinadala mo sa inyo kase pista, panghanda raw nila. Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak. Nasa abroad ka pa kaya sige, kain pa!

Pinahiram mo ng pera ang tito mo, naputulan daw sila ng kuryente kawawa naman. Nag effort pa para i message ka. Babayaran ka naman daw pag may pera, pati na yung nahiram nya ng mga nagdaang buwan.

Pinangbayad mo sa credit card mo, nagamit mo nung nag travel ka sa Europe. Nag-enjoy ka naman di ba? Sky is the limit, dami mo ngang nabili eh. Max out ka na sa card mo di ba?

Bumili ka ng bagong labas na iPad Air. Maganda eh, may hangin ang dating. Walang sinabi yung gadgets ng mga barkada mo.

Pinang-shopping mo na. Dami mo nga nabili, puro sale. Ang laki siguro ng na discount mo. Yun nga lang malaki rin nagastos mo.

Naipang gimik nyo na kagabi with your barkada. Oh di ba, late ka na umuwi, lasing pa. Buti nga nakauwi ka pa.

Patay kang bata ka…este matanda ka na pala.

Ang hirap kumita ng pera pero ang dali mo namang naubos. Pano ngayon yan, eh di mangungutang ka na naman?

Sampung taon ka na sa abroad, ano nang naipundar mo?

Pano ka na pag-uwi mo ng Pilipinas?

Learn.Save.Invest.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.