Kaylangan mo ba or Kaya mo lang?

Kaylangan mo ba or Kaya mo lang?

need or want

December. Isa sa mga pinakahihintay nating buwan sa loob ng isang taon. Syempre andito ang araw ng pasko. Pero aside from that, andito rin yung bonus at 13th month pay. Dami nating pera. Sigurado marami kang mabibili non. O baka nga hindi mo pa natatanggap eh ubos na. Naipamili mo na. Nautang mo na siguro. Nagamit mo na yong credit card mo.

Yun naman ang kalimitang nangyayari. We tend to spend everything on the holiday season. Iniisip kase natin, pinaghirapan natin yan. Susweldo naman uli tayo sa susunod na buwan.

Pero ang tanong, lahat ba ng binibili mo ay kailangan mo?

Dito pumapasok yung concept ng needs at wants. Sabi nga, buy things that you need and not that you want.

NEEDS yung mga bagay na kailangan natin upang mabuhay ng maayos. Gaya ng food, clothing at shelter. Yung wants naman ay mga luho lang. Kaya lang kadalasan, yung wants naja-justify natin na maging needs kahit hindi naman. In short, dinadaya lang natin mga sarili natin kung minsan. Ang mahirap lang, yong minsan nagiging madalas at nakakasanayan pa natin. Kaya ang resulta, sira ang ating kaperahan.

Halimbawa cellphone. Talk and text lang naman alam mong gawin, pero iPhone gamit mo. Pede namang Nokia na lang, mura pa.

Sa damit. Oo nga, maganda yung branded. Pero maisusuot mo rin naman yung magandang quality na walang brand. Di hamak na mas mura pa.

Sa pagkain. Pwede namang kumain sa labas ng masarap na pagkain pero hindi sa mamahaling restaurant.

Sa kape. Pwede namang 3 in 1 lang mura pa. Kaso mas sosyal daw ang Starbucks.

Marami pang instances, hindi lang naman ito. Wala naman problema kung paminsan minsan, i-treat natin ang gating mga sarili. Reward ika nga, para sa pinaghirapan mo. Kahit ako, kaylangan ko rin minsan gawin yan. Bumibili rin ako ng wants over my needs.

Pero noon yon, natuto na ako ngayon. Mas alam ko ng hawakan at gastusin ang aking kaperahan. I prefer to buy needs than wants. Though hindi maiiwasan yong mga mumunting bagay na gusto ko rin.

Sa Pilipinas, ano sa tingin mo ang nangyayari?

Wala namang problema sa pera, meron naman tayo. Puno nga lagi ang mga malls eh. Mayaman na nga sina Henry Sy, Gokongwei at Ayala.

Ang problema, binibili ba natin ang isang bagay dahil kaylangan natin or dahil kaya lang natin ito bilhin?

Nakuha mo ba ang punto ko?

Yong mga tipong nakita mong uso ngayon, kaya napabili ka rin para IN ka rin. Anyway, maliit lng naman na halaga.

Sa mamahaling restaurant lagi nakain mga officemate mo. Para maging IN, don ka rin kumakain kasabay nila. Anyway, maliit lng naman na halaga.

Kaya lang, ang maliit na halaga kapag ginawaga mo araw araw or madalas, malaki na rin pag nagtagal. Hindi mo namamalayan, yan na pala ang nakakasira ng iyong kaperahan.

Sa panahong ito, ayusin nating maige kung saan mapupunta ang ating bonus at 13th month. Pwedeng maging kapalit nito ang panandaliang kasiyahan o ang pangmatagalang tulong na magagamit mo sa iyong kinabukasan.

Isipin mo na sa bawat perang ginagastos mo sa walang kwentang bagay, kapalit nito ang maayos na pamumuhay mo at ng iyong pamilya pag dating ng araw.

Mabuhay tayo hindi lamang sa ngayon. Paghandaan rin natin ang mga araw na darating. Mga araw na wala na tayong kakayahang magtrabaho at wala ng ng bonus at 13th month pay na matatanggap.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.