Kelan ka titigil ng paga-abroad?

Kelan ka titigil ng paga-abroad?

buhay ofw

Sa totoo lang, wala naman talagang gustong mag abroad kung may sapat na opportunity lang sa Pilipinas na mabuhay ng maayos at maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa taas ba naman ng unemployment at underemployment ngayon, marami ang nagbabalak na makaalis ng bansa.

Sa simula, simple lang naman ang pangarap natin. Magtrabaho ng ilang taon at makauwi sa kani-kanilang pamilya. Wala naman sigurong OFW na nangarap na hindi na muling bumalik pa sa lupang sinilangan. Syempre, mas masarap pa rin ang mabuhay sa Pilipinas, kahit pa sabihin natin kung gaano kahirap ang buhay dito. Hindi mo pa rin mapapantayan ng salapi ang opportunity na makasama mo ang mga mahal mo sa buhay.

Kung tatanungin mo ang mga OFW kung ano mga plano nila, sasabihin nila madalas ilang taon lang at uuwi din sila. Papagawa lang nila yong bahay nila, papapagtapusin ng pag aaral yong mga anak, susuportahan ang magulang at iba.

In short, andon yong will nila para umuwi ng bansa. Kaya lang, pano nga ba sila makakauwi ng bansa? Ano bang EXIT PLAN ang naiisip nila upang makauwi ng Pilipinas at doon na tumira for good.

Most of them, pinapangarap na makapag ipon ng pera at magkaron ng negosyo balang araw.

Yung iba magaling magluto gusto magkaron ng restaurant. Yong iba marunong sa computer gusto daw nya magkaron ng computer shop. Yong iba naman, mag franchise na lamang daw sila.

Yan ang pangarap ng maraming mga OFW.

Ang dali lang sabihin na mag business di ba. Kaya lang, it’s not always a happy ending.

According to statistics kase, 90% of new businesses will fail from 1st year up to the 5th year. At yong mga makakaabot ng 10 years, 90% of them will fail.

This is a fact. Hindi ko gawa gawa lamang. Try mo rin i-google.

Nalungkot rin ako nung malaman ko ito. Biruin mo sa daming OFW na ganito ang pangarap, ilan kaya sa kanila ang magtatagumpay. Yong iba, marahil ay babalik na lamang uli sa abroad upang magtrabaho.

Pano kung di ka na makakabalik, kase matanda ka na. Or kung end of contract ka na. Yung perang pinaghirapan mo kaseng ipunin ng kung ilang taon, nauwi lang sa wala.

Pero teka, bakit nga ba sobrang taas ng failure rate ng mag business. Kung sa bagay, kung madali lang mag business, eh di dapat businessman na tayong lahat at matagumpay sa buhay. Wala na sanang mga empleyado…di bah.

Alam nyo kase, ganito yan. Ilang taon kayong nag aral sa college? 4 or 5 diba. Ngayon sa mga taong yon, may naituro ba sa inyo kung papano mag business?

Malamang wala di ba. And yet, here we are trying to do business without proper knowledge. But then, we failed to understand, we are trained to be an engineer, accountant, nurse or what ever, pero hindi ang mag business.

Hindi ibig sabihin na magaling ka magluto kase nakatapos ka ng HRM, magiging successful na ang restaurant mo.

Napansin ko rin, from being OFW bigla silang magshi-shift to be a businessman ng wala man lang sapat na aral. Baka nga yong iba, di man lang pinaghandaan muna. Nakita lang yong kapitbahay na ganon ginagawa, kaya hada na rin.

Ang nasa isip nila, marami silang puhunan pang business. Sabi ni Robert K, huge amount of capital plus less businesss knowledge is not a good combination in business. I’m not against doing business. In fact, I want to have in future. My point is, you should always have PLAN B in case you won’t end up as planned.

Eh bakit nga ba pagbi-business lang ang nasa isip natin.

Kase, yon lang ang investment na alam natin. Hindi natin alam na may iba pang investments na pwede nating i-avail na mas mataas ang probability ng magtagumpay tayo.

Ang ginawa ko imbes na mag business agad-agad, nakipag sosyo na lang muna ako sa kina pareng Henry Sy, pareng Gokongwei, pareng Manny V at kung sino sino pang sikat na businessman sa bansa.

Sa tingin nyo ba mataas ang chance ng success ng magiging business mo kung sila yong pinag manage mo?

Sa tingin ko oo, kaya pinili kong makipag business muna sa kanila kesa magstart ng sarili kong business.

Siguro kailangan ko pa ng masusing pag-aaral about busines bago ko ito pasukin in future. Pero sa ngayon, kuntento na ako na maging business parter muna ng mga kumpare ko 🙂

Natanong mo kung pano? Basahin mo yong post ko about STOCKS and MUTUAL FUNDS.

Again, ARAL muna bago INVEST.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.