Ganito rin ba prinsipyo mo sa buhay? Kung ganito, hindi ka nga aasenso.
Example, kung kumikita ka ng P10K sa isang buwan, P10K din dapat ang gastos mo para angkap na angkap sa prinsipyo mo.
Galing diba?
January – swak na swak sa budget
February – saktong sakto sa budget
March – perfect sa budget
April – bigla kang nagkasakit at na confine sa ospital
Pano ngayon yan, eh sakto lang pera mo at wala ng extra pang ospital.
Mangutang Tama, yan ang pinakamadali mong gawin.
Pagkatapos nito, simula na ng kalbaryo ng buhay mo. Bakit? Eh nasanay ka ng mabuhay sa P10K kada buwan eh. So para ma survive ka, utang ka pa rin. At pag wala ng gustong magpautang sayo, pati bumbay papatulan mo na
Ang tamang principle ay “Live below your means.”
Kung may sweldo kang P10K sa isang buwan, itabi mo ang P1K. Sa loob ng isang taon may P12K ka na. Maospital ka man, may pambayad ka na. Hindi mawiwindang ang budget mo, mabubuhay ka pa rin ng tama at masagana