Mabuhay Philippines!
Sa wakas, balik pinas ka na naman para sa iyong bakasyon.
Sa airport pa lang, sinundo ka na ng iyong pamilya, kamag anak at mga kaibigan. Ang dami, halos isang barangay. Kulang na lang magdala ng sariling banda at musiko para lamang sunduin ka.
Syempre ikaw proud na proud, sikat eh. Ganda ng tikas, bago lahat ng suot. Syempre ano na lang sasabihin ng kumpare mo kung gusgusin kang makikita nila. Kaya dapat makita nila na maganda ang buhay mo sa abroad.
Pagdating sa bahay, ang daming handa. Parang pista, imbitado yata ang buong barangay. Kumpleto ang kapamilya, kapuso at kabarkada
Tamang tama, marami ka namang dalang pasalubong eh. Laptop kay bunso, bagong sapatos kay itay, magarang damit kay inay, relo kay pinsan, pabango para kay tito at kung anu ano pa. Syempre, pati mga kapitbahay meron din
Ilabas na pati nga mamahaling alak na binili mo sa duty free. Yung sigarilyo, ipamigay na yan…
Unang araw pa lang bangenge ka na. Masaya ang feeling, parang hari. Lahat gusto kang makasama, san ka magpunta. Syempre, kaw ang taya eh. Mapa shopping, kain sa labas, sine at kung anu-ano pa.
Bottomless kung makipag-inuman sa kumpare, wagas na wagas sa pagwaldas ng perang pinaghirapan.
Eh ano ngayon kng maubos pera mo, eh babalik ka naman uli sa abroad. Marami ka uling kikitain don.
Ang importante, sikat ka. Pag-uusapan ka ng madlang pipol. Mayaman. Galante. Madatong.
Ganito rin ba prinsipyo mo?
1 week after or 2 weeks after, ano ka na? Kumusta naman ang bulsa mo? May pera ka pa ba? Keri pa bang uminom ng bottomless at mag shopping ng wagas?
Nangyayari ba ito sa inyo? Aba’y hindi ka nag-iisa
Kung gumastos, wagas. Kung kumaskas, parang walng bukas.
Pag balik sa abroad, sardinas na lang o lucky me ang ulam. Nag-iipon na uli sa sunod na uwi. Magpapaalipin sa mga dayuhan para lamang kumita ng salapi.
Pano kung hindi ka na makakabalik sa trabaho mo abroad? Pano kung matanda ka na at di ka na makapagtrabaho?
Ipon ipon din pag may time. Paghandaan ang bukas.