Purpose – Time – Target

investment time

Gusto mo ba mag invest? O nag-i-invest ka na? King anu man, try to know your purpose, time and target.

PURPOSE. Bat nga ba gusto mo mag invest? Gusto mo lang bang itago ang pera mo or palakihin ito? Maraming dahilan kung bakit tayo kailangan mag invest, I’m sure may iba-iba tayong dahilan. Ako, para sa educational fund ng baby ko at para sa retirement fund namin. Kung ano man¬†yun, ang importante meron kang purpose. Hindi naman pwedeng wala lang. Ask yourself why. At base don, mas madali mong malalaman kung anong investment instruments ang pwede mong paglagyan ng iyong pera.

TARGET. Magkano ba kaylangan mong pera in future? Sapat kaya ang iniipon mo ngayon sa oras na gamitin mo na ito? Madalas nami-miss out natin ito. Kaya ang resulta, baka kulang pala ang pera natin. Gaya ngayon. Kung SSS lang ang meron ka pagtanda mo, sa tingin mo sapat ito? Meron ka ngang education fund para sa anak mo, pero pag gagamitin naman nya, kulang pala. Importanteng malaman mo kung magkano ang kailangan mo. Meron namang computation nyan kung magkano ang approximate na amount. Syempre may mga factors din yang dapat -iconsider. Ang mahalaga, may idea ka kung sapat ba ang iyong iniipon. Kung hindi, mas magandang dagdagan ito para hindi masira ang iyong kaperahan pag kailanganin mo na ito.

TIME. Kaylan mo ba gagamitin ang pera? Kung retirement, anong age mo ba gusto mag retire? Kung education fund, anong age na ng anak mo? Kung travel fund, kela nyo ba balak mag travel? Mahalaga ang time sa pag i-invest. The earlier you start kase, the more your money can grow and work harder for you. Kaya nga magandang simulan ang pagpaplano ng retirement the first day you start working. Kaya lang, hindi ito madalas nangyayari or hindi talaga nangyayari. Naging kultura na kase natin na hindi pinaghahandaan ang pagtanda.

Lahat ng ito ay factors ng pagpili ng maganda at tamang investment na angkop sa iyo. Pag kausap mo ang financial adviser mo, malamang ito rin ang mga aalamin nya. Marahil ay magkakaiba tayo ng sagot, wala naman kaseng one size fits all na investment. Magkakaiba kase tayo. Without these 3 factors, mahirap malaman kung ano ang dapat na investment para sayo. Or kung tama ba ang nakuha mong investment.

Magtanong, aralin munang maige. Para sa huli, walang maging pagsisisi.

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.