Sandwich Generation

sandwich generation

Huwaw! Eto masarap to. Pede ring burger generation para mas malinamnam. Yung pure beef patty tapos maraming cheese.

Pero hindi nakakain yung ibig kong sabihin. At hindi masarap ang maging sandwich generation. Aba, nakakaiyak din minsan.

Gaano kadami yung kakilala mo na may pamilya at mga anak na plus sila pa rin yung nasuporta sa kanilang magulang?

Aha, ikaw pala yun! Ikaw yung patty sa burger! Sa taas, yung parents mo. Sa baba, yung family mo  Kung may iba ka pang tinutulungan, sila na yung mga veggies ng burger.

Eto na nga ba ang sinasabi ko kapag hindi natin napaghandaan ng maayos ang ating pagtanda.

Oo nga, andyan mga anak mo handang tumulong sa abot ng makakaya nila. Walang duda yun.

Pero ang tanong, kaya rin kaya nilang masuportahan pangangailangan mo? Ang gamot mo? Ang maintenance mo?

Kung kasing yaman mo naman sina Lucio Tan at Henry Sy, aba maswerte ka teh!

Pano kung kasama ka ng mayoryang Pilipino na isang kahig isang tuka?

Ikaw kaya lumagay sa posisyon ng anak mo. Sapat na lng pera mo, anong bibilhin mo: gatas ng anak mo or gamot ng inay mo?

Ang hirap maging patty sa burger. Nakaka stress di ba 

Kaya habang may oras ka pa, paghandaang mabuti ang iyong pagtanda. Ayusin mong maige ang iyong kaperahan!

Gusto mo rin bang maging patty sa burger ang anak mo?

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.