Working Hard for Money is Not Enough, You Should Let Your Money Work Harder for You

Working Hard for Money is Not Enough, You Should Let Your Money Work Harder for You

During our prime, marami sa atin ang may trabaho at kumikita ng salapi. Yung iba pa nga, sobra sobra pa ang kinikita nila sa gastusin. Maaring matagumpay sila sa kanilang profession, sa career or sa larangan ng business. Marami din naman ang nagsasabi sakto lang daw ang kita nila. Isang kahig isang tuka ika nga. Yung tipong kakasweldo pa lang ubos na. Maghihintay na uli ng katapusan ng buwan.

Kaya lang bakit madalas gaano man kalaki ang ating kita, bakit laging kulang pa rin? Bakit tumataas ang ating kita, sumasabay din ng pagtaas ang ating mga gastusin? Bakit hindi nating magawang i-maintain ang ating lifestyle kahit pa tumaas ang ating antas ng pamumuhay?

Napapaghandaan pa ba natin ang ating pagtanda? May sapat ba tayong naiipon para sa ating retirement?

Gaano man kalaki ang kita mo ngayon, kung mas malaki naman ang gastusin mo, wala pa ring mangyayari sa buhay mo. Kawawa ka pa rin sa iyong pagtanda.

Gaano man kalaki ang kita mo ngayon, kung wala ka namang maiipon, wala ka ring magagastos pag tanda mo.

Gaano man kalaki ang kita mo ngayon at nagretire ka na, mauubos at mauubos pa rin ang pera mo kung hindi mo alam kung paano ito palaguin.

60% ng NBA players ay naba-bankrupt 5 years after ng retirement nila. Si Scottie Pippen ng Chicago Bulls na kumita ng $120 million sa kanyang career ay isa sa mga sikat na basketball player na nag file ng bankruptcy. Isama na rin natin dito si Allen Iverson.

Sa NFL naman, 80% ng players ay naba-bankrupt pagkatapos lamang ng 2 taon after retirement.

Sa larangan ng boxing naman, si Mike Tyson na kumita ng $400 million sa kanyang boxing career ay na bankrupt din. Si Evander Holyfield na kumita ng $250 million sa larangan ng boxing ay na backrupt rin.

Hindi sa lahat ng panahon ay kikita tayo ng ganito kalaking halaga. Hindi sa lahat ng panahon ay malakas tayo at may kakayahang kumita. Darating ang araw, magreretiro tayo, walang income at aasa sa kung ano man ang ating naipon.

Ang tanong, may ipon nga ba? May naitabi ka ba? O aasa ka na lamang sa iyong mga kapamilya para sa tulong pinansyal? Magiging pabigat ka rin ba sa kanila?

Hindi sapat na marunong at magaling lang tayong kumita ng pera. Dapat matutunan rin natin kung pano ayusin ang ating kaperahan, paghandaan ang kinabukasan at hayaang ang pera ang magtrabaho para sa atin.

Gaano man kalaki o kaliit ng ating kita, kailangan nating matutong mag save at mag invest para sa ating retirement. Mahalagang mamulat tayo ng maaga sa tamang pag-aayos ng ating pinansyal. Huwag nating hayaan na maging huli ang lahat at magsisi sa bandang huli.

Hindi naman mahal ang matuto ng financial literacy. In fact, may mga free nga na talk at seminar na pwede mong puntahan. Mas mahal ang kabayaran ng maging mangmang pagdating sa tamang pag gamit at pagpapalago ng pera.

Kung gusto mong matuto, samahan mo kami sa aming mga Financial Literacy Events. Visit TGFI EVENTS for schedules and details.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.