You are not responsible for everyone

You are not responsible for everyone

Sadyang likas na matulungin tayong mga Pilipino. Lalo na kung kapamilya natin, kakilala or kaibigan. Part na rin kase ito ng strong family bonding natin. Kita nyo naman kung gaano tayo ka close, halos karamihan sa atin nakatira sa iisang bubong magkasama-sama lang.

Kaya lang, gaano man kaganda kapag sobra ay may negative effect rin. Dumarating na tayo sa point na hindi na tayo nakakatulong, sa halip ay bka nakakasama pa nga sa mga taong tinutulungan natin.

Typical na story ito sa mga OFW. Kumakayod sila at nagpapakahirap kumita ng pera, pero kadalasan nauubos or wala ring natitira kapapadala nila.

“Anak sira na yung bubong ng bahay natin, kailangan ng palitan ng bubong.”

“Ate walang pang tuition si Junior, baka naman pwedeng makihiram muna ayo.”

“Ineng naospital si kuya mo, ikaw na muna ang bahala sa amin.”

“Mare namatay yung kalabaw namin sa bukid, baka naman pwedeng makahiram sayo.”

Once is enough sabi nga. Pero kung madalas, ibang usapan na yan. Reklamo ka ng reklamo na wala ka ng pera, padala ka naman ng padala sa kanila.

Na experience mo ba yong tipong pinagkatago-tago mo na at pinag-ipunan ng ilang buwan, tapos isang tawag lang ng nasa Pinas, ubos agad 

Kadalasan kase, tayo rin ang may kasalanan. Nakukunsinte natin sila. Alam nila na khit anong mangyari, andyan ka para tulungan sila. Para kang bangko na anytime, pwedeng makunan ng pera.

Siguro ang iba sa atin dumanas ng kahirapan noong ating kabataan. Nagsumikap, kumayod at nakapagtapos ng pag-aaral. Ngayon, maalwan na sa buhay. Sabi natin sa ating sarili, “Hindi ko hahayaang danasin ng mga kapatid or anak ko ang hirap na pinagdaanan ko noon.”

That is the right attitude. Tumulong tayo sa mga nangangailangan sa abot ng ating makakaya. Pero hanggang saan?

Nasa point ka na ba na binibigay lahat ng luho nila? Kahit anong hilingin nila binibigay mo ba? Hindi naman dito issue ang pera. No doubt meron kang maibibigay.

Pero isipin mo, naging matagumpay ka dahil sa mga hirap at pagsubok na dinaanan mo sa buhay. Nagsumikap ka upang makatapos lang ng pag-aaral. Now, sa tingin mo without those trials and burdens magiging matagumpay ka kaya? Kung yan ang ginagawa mo ngayon sa kanila, sa tingin mo anong buhay ang naghihintay sa kanila? Maging matagumpay rin kaya silang tulad mo? Makatayo kaya sila sa sarili nilang paa? O habang buhay na aasa sa padala mo?

This reminds me of a story of a cocoon and a butterfly. May isang batang naawa at tinulungan ang isang paru-parong makalabas agad ng cocoon. And yes, nailabas nya ang paru-paro sa loob. Pero, napansin nya, hindi ito isang ganap na paru-paro. Ni hindi nito maibukas ang kanyang mga pakpak at nahihirapan ring tamayo sa sarili nyang paa. Hindi alam ng bata na kaylangang paghirapan ng paru-parong makalabas ng cocoon dahil ito ang magpapatibay at magpapaganda upang ito’y isang maging ganap na paru-paro.

Parang tayo lang din yan. We need to struggle and be on our own to survive.

Hindi lang naman as financial provider ang pede nating maging role sa buhay. Hindi ka bangko, tandaan mo yan. Pede rin tayong maging tagapangaral nila. Tumulong tayo sa abot ng ating makakaya, pero bigyan nating na limitasyon. Hayaan din natin silang magsumikap at matuto sa buhay. Baka hindi natin namamalayan, hindi na tayo nakakatulong sa kanila. Bagkus, nakakasama pa.

About Richard Macalintal

Hi my name is Richard. I am a Registered Financial Services Consultant in Singapore. If you have any queries or you need help on your insurance policies and investment linked products, feel free to message me :-) We can have a cup of coffee while I do financial review and give advice with regards to your finances :-) Contact me thru email rlmacalintal(at)yahoo.com or SMS me +65 82235186. Disclosure: I am a Financial Consultant of AIA. The statements or opinions expressed on this site are my own and do not necessarily represent those of AIA.

2 comments

  1. How could i become a millionaire?…..Pls….reply at once…tnx…

    • you have few options:

      1. inherit it
      2. marry it
      3. win it
      4. steal it
      5. work for it

      which one do you think you can do? if you choose option 5, invest in knowledge first. learn as much as you can. then your question will be answered. there are lots of ways to achieve millions. we might have different ways and strategies. but when opportunity came, make sure you are equipped with right knowledge to grab it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.