So kasama ka ba sa mga taong mga anak lang ang investment? Yung tipong nagsusumikap lang ng tama, para maitaguyod ang pamilya at maigapang ang mga anak sa pagpasok.
Iniisip nila, giginhawa na buhay nila pagkatapos ni inday or ni dodong kse magtatrabaho na at magbibigay ng pera sa kanila. Para saan pa ang mag-ipon at mag invest, andyan naman sila. Mahal na mahal nila ako at hindi pababayaan
Nakaka-touch, pang MMK ang peg. Harinawa ganyan nga ang kahinatnan ng buhay mo. Walang duda, mahal ka ng anak mo. Kahit ako pupusta don.
Ang problema, mamahalin ka rin kaya ng manugang mo?
Pano kung dumating sa puntong kelangan mo ng pambili ng gamot pagtanda mo. Lumapit ka kay Inday at nagsabi ng konting pera. Tama lamang ang pera ni Inday sa gastusin nila. Natural, san pa ba naman magmamana kundi sayo
Ok lng sana kung sa pagtanda mo isang beses ka lang magkakasakit. Pano kung sunod sunod? Buti sana kung ikaw lang ang matanda. Pano kung nangangailangan din yung balae mo?
Eto yung moment na sasabihin mo sa sarili mo “Kung pinaghandaan ko lang sana ang pagtanda ko….” tsk tsk tsk
Pero huli na ang lahat, wala ka ng magagawa. Iiyak mo na lang. Multuhin mo na lang sila para makabawi…haha
Posible bang mangyari sayo yan? Isang malaking check!